Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin habang nakahawak ako sa kamay ni Von dahil ang sabi pa sa akin ni Asami palabas na kami sa private plane kanina nasa airport daw kami at hindi makalapag ang plane ni Von doon sa bahay ng kanyang kaibigan o sa bahay niya dito sa plane at hindi nadin naman ako nag tanong pa kasi wala naman akung alam kung ano ang kanilang sasabihin. Mas lalong lumakas lang talaga ang kaba ng aking puso dahil sa alam kung makakakita na ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero matagal ko ng pangarap ang makakita kaya siguro ganito. Mahigpit ang hawak ni Von sa aking kamay at ramdam ko naman na nakasunod lang ang dalawa sa aming likod. Marami ang nagkalat na balita tungkol sa akin pero kaagad namang nagawan ng paraan ni Von at nawala ito sa isang iglap lang a