Mukhang nagulat si Von sa aking pagyakap sa kanya ng sobrang higpit pero kaagad niya naman akung niyakap pabalik sabay halik sa tabi ng aking tenga. Kung kaakibat ng pagmamahal ang sakit handa akung harapin ang sakit na iyon kung si Von lang din naman ang magiging wakas ko. Inaamin kuna hindi nalang simpleng gusto ang meron ako sa kanya ngayon at kahit anong gawin ko hindi kuna mapipigilan ang aking sarili na mahalin ang isang kagaya niya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako niyakap ng ganito pero umaasa ako na mamahalin mo ako kahit kaunti lang,” hinaplos ni Von ang aking likod ng marahan. “Mamahalin kita ng higit pasa buhay ko at pinapangako ko sayo na hindi mo pagsisihan ang desisyon muna mahalin ako,” sobrang taas naman ng radar ng lalaking ito dahil kahit sa yakap palang alam na alam