Kagaya ng dating hilig namin ni Asami nandito kami sa isang sikat na café kung saan maraming tao ang pumupunta dito pero nagpa-reserve naman siya ng room at mukhang pupunta si Clark dito. Masaya ako para sa kanilang dalawa at sinama naman ako ni Asami dito at ngayon niya lang sinabi na pupunta din naman dito si Clark. Hanggang ngayon hindi parin ako nagsasalita tungkol sa nangyari doon sa isla at ang parating itinatanong sa akin ni Asami ay sa kung sino ang may-ari ng dugo na nasa aking katawan ng oras na iyon dahil hindi naman sa akin. “Pasensya kana pala kung minsan nawawalan na ako ng oras sayo kailangan din naman kasi ako ni Clark pero babawi ako sayo at hindi parin kita pababayaan,” isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang iniisip ang sinabi ni Asami pero ang totoo nasasakta