Hindi ko alam kung ilang luha na ang nailabas ko habang kinakausap ako ni Von at sinasabi sa kanya kung ano ang mga nangyari at tanging mura lang ang naging sagot nito sa akin at mukhang kahit siya ay nagulat din naman sa nangyari sa akin at sino ba naman ang mag-aakala na mapapasok ako sa bahay ni Von dito sa Spain, ang alam ko hindi malalapitan ng kalaban itong si Von pero hindi ko alam kung paano nakapasok ang hayop na iyon dito sa bahay niya. Sobrang higpit ng hawak sa akin ni Von at halos hindi na niya bitawan ang kamay ko kahit anong gawin niya, alam kung nag-aalala lang naman siya sa akin at ngayon ko lang na realize na sobrang mahal ko nga talaga si Von at sadyang natatakot lang ako sa posibleng sabihin niya pero ang totoo mahal na mahal ko siya. Hindi kuna hinintay ang sunod na