Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi ni Von sa akin kanina at kahit si Asami nga naman ay matinding saya din ang kanyang nadarama para sa akin. Ako nga hindi ako makatulog at hindi mawala sa isip ko dahil sa matinding tuwa, siguro hindi mawawala ang saya na ito kapag nakaalis na kami at inaayos pa nila ang papeles sa aming pag-alis. Naiwan lang naman ako dito sa bahay ni Von habang sila ang nag-aayos ng kailangan namin upang maoperahan ako. Pero ang higit sa lahat ay ang paghalik sa akin ni Von na hinding-hindi mawala sa isip ko at kung paano niya ako ingatan, ngayon lang naman ako nakaranas ng ganitong pagmamahal kaya siguro matinding epekto sa akin at wala na akung plano magmahal ng ibang lalaki maliban nalang kay Von. Siya lang talaga ang nagbigay sa akin ng dahil