KABANATA DALAWA
REMINISCE JOY FAJARDO
MULING humugot nang malalim na hininga si Rem. Nakatanaw pa rin siya sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang madilim nang kalsada.
"Where to?" She immediately glanced at Ann whose eyes are still focused on the road. Hindi niya naintidihan ang tanong nito, sobrang lalim kasi ng kanyang iniisip kaya't tinitigan niya lang ito.
"Why so quiet?" tanong nitong nahalata siguro ang matagal niyang pagtitig at ang kanyang pagtahimik simula nang umalis sila sa kanyang bahay.
"Why do you care?" balik-tanong niya sa kaibigan na mabilis siyang tinapunan ng tingin bago muling ituon ang atensyon sa kalsada.
"Nothing, you're quiet," Ann replied making her smile.
"Why? Do you miss my loudliness already?" nang-aasar na sambit niya ngunit narinig niya lang ang pag-tsk nito. Natawa na lang siya sa inasta nito bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Malapit na sila sa bar na napili niyang puntahan dahil nakikita niya na ang iba't ibang ilaw na nagmumula sa nadadaanan nilang mga karatig bar. She will enjoy this night, hindi niya hahayaang makaapekto ang natanggap niyang balita sa kasiyahan niya. Isa pa, kahit naman siguro matuloy nga ang kasal niya ay hindi niya hahayaang makontrol siya ng kanyang mapapangasawa. She is a free woman, nothing can cage her, not even marriage.
"No, it's better that you are keeping your mouth shut," bigla ay sabi ng kaibigan na pumukaw muli sa malalim niyang pag-iisip. Nanlalaki ang mata dahil sa gulat na tinignan niya ito.
"No, it's better that you are keeping your mouth shut," she repeated while counting every word on her fingers.
"God! That's more than three words!" eksaheradang sambit niya bago ipakita ang kanyang sampung daliri rito. Ann just scoffed and bring back her focus on the road.
"Ano? After you caught me off guard with the longest sentence that you spoke, hindi mo na ko kikibuin?" sambit niya sa nasasaktang tinig habang hawak-hawak pa ang kanang dibdib. Hindi nagsalita ang kaibigan, ni hindi man lang nga siya nito tinapunan ng tingin.
"Gosh! Am I not that important? We've been friends for how many years, yet I am not important to you?" dugtong niya pang nagdadrama pa rin upang pilitin ang kaibigan na muling magsalita ngunit gaya nang lagi ay wala siyang natanggap na tugon mula rito. Ann's eyes are fixed on the road even though their speed is not that fast like earlier. Kung alam niya lang na magsasalita ito ng ganoon kahaba kanina sana ay nirecord niya na para iparinig sa kanyang mga kaibigan. Dahil kapag sinabi niya lang iyon ay tiyak na hindi siya papaniwalaan ng mga iyon especially Haven.
"Ann, talk to me! I so look like tanga na here dahil you're not talking to me. It's like I'm talking to a hangin." Pinairal niya pa ang pagiging "conyo" na talaga namang alam niyang kinaiinisan ng kaibigan at sa wakas, nagtagumpay siya dahil tumugon na sa kanya ang kaibigan.
"Cut it out." Napangiti siya, she's really getting on Ann's nerve and she's loving it. Gustong-gusto niya talaga makapang-inis. Yes, she's really born to get on someone's nerve and be a pain on the neck.
"Aww, we're back to three words again?" she said to make their conversation going.
"Out or not?" tanong nito na ikinasalubong ng kanyang kilay. Napalingon siya sa labas ng bintana at noon lang namalayan na nakahinto na ang kanilang sasakyan sa tapat ng bar na napili niyang puntahan ngayong gabi. Dinig pa rin sa labas ang malakas na musikang nagmumula sa loob ng bar. Agad na nagliwanag ang kanyang mukha, kumislap ang kanyang mga mata at sumilay ang napakalaking ngiti sa kanyang labi. This is what she loves. This is what defines her. This is her life. This is Reminisce.
"Mauuna na ko sa'yo sa loob, sayonara," she said excitedly before hurriedly exiting Ann's car. Hindi niya na kaya pang antayin na makapag-parking ito sa basement ng bar bago siya bumaba dahil nangangati na ang katawan niyang gumiling. Rem fixed her posture before sophisticatedly walking towards the entrance of the bar. Hinawi niya rin ang kanyang mahabang buhok na kanina'y tumatabing sa kanyang mayamang dibdib. Para saan pa ang mga biyayang binigay ni Lord kung hindi naman makikita ng iba at hindi naman niya ibabalandra. Sinalubong siya ng dalawang bouncer na binigyan niya lang pareho ng mapang-akit na ngiti.
"Good evening, Ms. Rem. Hindi po na'min in-eexpect na pupunta kayo ngayong gabi," sambit ng isa sa mga bouncer na si Yin.
"Yes, this is totally unplanned. Well, as per what they say expect the unexpected," tugon niya saka tumingkayad at tinapik nang mahina ang pisngi nito. Ngumiti lang ito sa kanya bago siya pagbuksan ng pinto ng isa pang bouncer na si Yang.
"Thank you, Yang," pasasalamat niya na sinagot naman ni Yang ng pagngiti at pagtango. Tuluyan nang pumasok si Rem sa loob ng bar. Marami ang tao ngayon dahil Sabado kumpara kapag weekdays na halos bilang lang sa kamay ang sumasayaw sa dance floor. Luminga-linga siya upang hanapin ang may-ari na kaagad niya namang nakita sa likod ng bar counter. He's bartending again. Serving drinks and serving a perfect sight to all the ladies.
"How's your evening, Cairus?" she greeted before settling her butt on the stool in front of him.
"Good, but you're here so it's even better," sambit nitong bago ipakita sa kanya ang ngiting kahit sinong babae ay mahuhumaling. Ngiting makatunaw o makalaglag panty. Well, unfortunately, not her. Hindi na siya apektado sa pagpapa-cute ng lalaki sa kanyang harapan. Sanay na sanay na siya sa charm ng isang 'to.
"Flirting again, eh?" pang-aasar niya sa binata bago ibaling ang tingin sa babaeng kasama nito sa likod ng bar counter. Leona moves flawlessly and perfectly as she mixes the drinks ordered by the customers. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Rem na may gusto si Cairus sa bartender nito.
"Hi, Leona," Rem greeted the lady with a smile and a little wave.
"Hi, Miss Rem. Good to see you here," Leona replied in a professional manner. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Cairus sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. It's like a warning to stop what she's doing. Hindi pa nga siya nagsisimula at wala pa nga siyang ginagawa ay pinatitigil na siya nito agad? Grabe, napakatorpe.
"Leona, can I ask you something?" she asked not minding Cairus on the side.
"Sure, ano po iyon?" Leona replied politely while shaking the drinks in her hand.
"Do you have a boyfriend?" tanong niya kaya't naramdaman niya ang magaang pagpitik ni Cairus sa kanyang kamay. Agad na pinalis niya ang kamay ng binata saka inalis ang kamay sa pagkakapatong sa counter at nangalumbaba.
"Ah, eh, ano po... wala po... Miss Rem. Wala pa po akong nagiging boyfriend," tila nahihiyang sagot nito saka yumuko.
"Why? I mean, you're beautiful. How come na hindi ka pa nagkakaboyfriend? Ah, whatever it's their lost lalo na nung isa—"
"Okay, drinks on the house tonight, Rem!" Cairus exclaimed cutting her off. Napatawa na lang siya nang malakas dahil sa inakto nito. She really loves being a match-maker, kaya nga ba hanggang ngayon ay si Jucia pa rin at si Renz. She's good at that, and also she's good at being beautiful.
"That's why I like you," sambit niya sa binata bago abutin ang mi-nix nitong lady's drink. Isa iyon sa pinakamabenta at pinakamasarap ngunit pinakamahal ding special teas ng bar.
"And that is why I don't like you, Rem," Cairus replied before winking at her, signing her to quiet down or keep what she knows by herself.
"Oh, no, baby. You love me," patuloy na pang-aasar niya sa binata bago sumimsim sa basong hawak.
"No, I don't," matigas na sabi nito habang may pilit na ngiti sa mga labi.
"Hey, Leona," muling tawag niya sa dalagang bartender na ngayon ay abala na sa pag-aasikaso ng ibang customers.
"Yes po, mam? Oorder pa po kayo?" mabilis at alertong tanong nito saka naglakad palapit sa kanila. Kitang-kita niya ang pagta-transform ni Cairus mula sa tao hanggang sa pagiging bato dahil bigla na lang itong nanigas sa tabi ni Leona.
'Oh, God! I'm really sorry for what I'm going to say,' sambit niya sa sarili na pinipigil ang pagtawa sa itsura ni Cairus while contemplating if she'll going to say what's on her mind. Hah, whatever.
"Cairus likes you. He likes you A LOT!" she said out loud before happily jumping out from the stool and walking to the dance floor with a big smile plastered on her lip. Leaving the two behind, dumbfounded and not sure what to do.
"Oh, God, I love my life," Rem said before raising her glass in the air. She will love her life even more kung hindi siya pipilitin ng amang ipakasal sa kung sinong ponchio pilatong hindi naman niya kilala. Okay, delete the negative ideas! Delete the negative ideas!
"You will love it more with me," bulong ng isang lalaki mula sa kanyang likuran na kaagad pumulupot ang isang kamay fa kanyang bewang. Pasimple ngunit mabilis at marahas na tinanggal ni Rem iyon habang malanding kumekembot sa saliw ng musika. Hinarap niya ang lalaki at agad siyang napangiwi nang makita ang itsura nito. Don't get her wrong, he's good looking, but he's not her type lalo na at ganoon ang asta.
"No, I think not," she replied with a sarcastic apologizing voice. Duh, kahit naman "playgirl" at "flirt" ang tawag sa kanya ay hindi naman siya basta-bastang pumapatol sa kahit na sino. Rem chooses her man meticulously like she's choosing a shoes to wear and the one in front of her is not a choice.
"How can you say that? E, hindi mo pa nga ko nasusubukan. Malay mo, mapaligaya kita sa paraang alam ko," tugon nito saka tumingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya man sundan ang tinitignan nito at alam na kaagad ni Rem ang ibig nitong sabihin. The man's eyes settled on his own manhood. Napakabastos at napakayabang, e, wala namang nakaumbok. Well, he wants to play and so does Rem. He will get what he deserves.