Lucio’s POV Isang magandang umaga ang sumilip sa akin. Sa totoo lang, maaga akong gumising para ipapalit itong cheke ko. Ngayong araw, uumpisahan ko na kasing gawin ang mga gusto kong gawin. “Oh, apo, nakuha mo na ba ang sahod mo kay Skyla? Pasahod day natin ngayon sa mga staff natin kaya karamihan sa kanila ay mga nagpasukan ngayon,” sabi ni Lola Igna paglabas ko sa kubo ko. “Yes, Lola Igna. Milyonaryo na tayo kaya maging masaya ka na ngayon.” Lumapit ako sa kaniya at saka ko pinakita ang nakasulat na presyo sa binigay ni Skyla na cheke sa akin kagabi. “Jusko po, twenty million pesos? Totoo ba ‘yan?” Hindi siya makapaniwala. Hindi na rin nanliit ang mga mata niya matapos makita ang cheke. “Anong ginawa mo at malaki ‘yang binigay niya?” dagdag pa niyang tanong. “W-wala naman po. Sigu