Skyla’s POV Pag-upo namin ulit sa buhangin ay kapwa kaming tahimik. Nakita ko pa nga na biglang namula ang morenong si Lucio. Hindi niya siguro inaasahang tototohanin ko ang paghalik sa kaniya. Lolo, I'm sorry, I had to kiss him. But don't worry because I just used him against my ex-boyfriend Levi. “Anong mga binili mo?” tanong ko sa kaniya kahit nakikita ko naman kung ano itong nasa tray na nakalapag sa buhangin. Binasag ko na rin ang katahimikan at ayaw na niya kasing magsalita matapos ang halikan namin. “Ah, heto, may barbecue, chips, pasta salad, rotisserie chicken, sandwiches at buko juice,” sagot niya. Grabe sa dami ang binili niya. Nasanay na siguro siyang maraming pagkain na pinapakain sa akin dahil sa mga pagkain sa mansiyon. “Hindi naman ako patay-gutom, pero bakit sobrang d