Lucio’s POV
Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas ng kubo ko. Pagbukas ko ng bintana ay nakita ko ang limang dalaga na naghihintay sa ‘kin. Nagtilian ang mga ‘to nang makitang sumilip ako sa bintana. Wala akong suot na damit pang-itaas kaya nakita nila ang matipuno kong katawan. ‘Yon ang dahilan kung bakit nag-sigawan ang mga ‘to.
“Lucio, pabili kami ng petchay. Need namin ng petchay para sa school project namin,” sabi ng isa sa kanila kaya ngumiti at tumango naman ako. Kailangan masayang mukha ang pinapakita sa mga customer para nawiwili silang bumili rito kahit alam kong hindi naman talaga nila kailangang ng petchay sa school project nila. Narito ang mga ito para lang makita talaga ako.
“Sandali at magbibihis lang ako,” sagot ko. Bago ako lumabas ay nagsuot na muna ako ng sandong puti.
Grabe. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Hang over is real. Paglabas ko ay agad nila akong sinalubong. Kaniya-kaniya silang hawak sa bycep at tiyan ko. Ganiyan sila palagi. Sanay na ako kaya hinahayaan ko na lang.
Iyong petchay na sinabi nilang para sa school project ay alam kong dahilan lang nila para makapunta rito. Wala naman talagang paggagamitan ng ganoon sa school nila at mga I.T student ang mga ‘to. Kailan ba nagluto ang mga I.T student? Sinasakyan ko na lang ang mga ‘to dahil sayang din ang benta. Pangbili rin ng gamot ito ni Lola Igna.
“Ilan ba ang kailangan ninyo?” tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa taniman ng mga petchay.
“Sampo, Mr. Lucio,” sabi ng isang babae na hawak-hawak ang abs ko. Para silang bulate na nilalagyan ng asin sa tuwing mahahawakan ako. Kilig na kilig ang mga ‘to kapag nakikita ako. Para akong celebrity sa lugar namin.
“Saglit, bitawan niyo muna ako para makapitas ako ng mga petchay ninyo,” sabi ko kaya sabay-sabay naman silang bumitaw sa akin. Mabilisang pagbunot ng sampong petchay ang ginawa ko. Gusto ko na kasing makaalis na agad ang mga ‘to rito at masakit talaga ang ulo ko. Wala ako sa mood. Ayaw ko lang silang sungitan at kahit pa paano naman ay tulong pa rin sa amin ni Lola Igna ang pagbili nila ng mga gulay dito sa Brook Farm.
Pag-abot ko sa kanila ng mga petchay nila ay inabot na rin nila sa akin ang bayad. Bago sila umalis ay hindi mawawala ang paghingi nila ng kiss sa pisngi ko. Tuturo sila sa pisngi nila para sabihin na gusto nila akong i-kiss sa pisngi ko. Mababait naman sila kaya pumapayag naman ako. Isa pa, ang sampong pirasong petchay ay three hundred pesos na agad ang bayad nila. Ganoon sila palagi dahil parang kasali na sa binabayaran nila ang pag-kiss palagi sa pisngi ko.
“Oh, sige na. Mag-kiss na kayo sa pisngi ko para makatulog na ulit ako. Masakit kasi ang ulo ko at nainom ako kagabi ng alak,” sabi ko kaya isa-isa na silang lumapit sa akin para isa-isa ring humalik sa pisngi ko. Lahat sila ay napapatali matapos akong mahalikan sa pisngi ko. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila ay aalis na rin naman agad sila. Doon lang ay masaya na sila.
Pagtingin ko sa kubo ni Lola Igna ay nakita kong nakangisi ito. Natatawa siguro siya sa mga dalagang ‘yon na palagi akong kinukulit.
“Napaka-guwapo mo kasi, apo,” puri niya sa akin.
“Siyang totoo po, Lola,” sagot ko naman at saka ko siya nilapitan para i-kiss sa pisngi pero ka agad naman itong umiwas sa akin. Alam niya kasing wala pa akong hilamos at toothbrush. Amoy alak pa ang hininga ko.
“Toothbrush muna, apo. Bad breath ka pa,” sabi niya habang tinatawan ako.
“Ang arte mo naman, Lola.” Napapakamot na lang ako ng ulo.
Tumuloy na ako sa banyo para maligo na rin ng maaga. Makakatulong ‘yon para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Para na rin maagang mawala ang hang-over ko.
Pagkabihis ko ay binalak ko nang puntahan si Mia. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol sa ginawa niya kagabi. Ang tigas ng ulo niy kaya kailangan ko siyang pagalitan.
Naglalakad na ako sa kalye papunta sa bahay nila Mia nang makasalubong ko ang courier ng isang online shop na madalas pag-order-an ni Mia. Gusto kong malaman kung may bago na naman ba siyang in-order at pati ang lola ko ay hihingan pa niya ng ganoong kalaking pera. Grabe na siya.
“Mang Domeng?” tawag ko sa kaniya kaya napahinto naman agad ‘to sa ‘kin.
“Oh, ikaw pala, Lucio.”
“May order po ba si Mia?” tanong ko agad.
“Oo, heto nga’t papunta na ako sa kaniya. Puwede bang ikaw na ang mag-abot nito sa kaniya para mabilis ang trabaho ko? Mukhang doon ka rin naman papunta sa kanila e.”
“Sige po. Akin na at ako na ang mag-aabot sa kaniya niyan,” sabi ko at saka ko tinanggap ang isang malaking box.
“Salamat, Lucio.” Pag-alis niya ay binuksan ko na rin agad ang box para malaman ko kung ano ang laman niyon. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahang polo at pantalon iyon na panglalaki. Natuwa ako nang una dahil inakalang kong para sa akin iyon, pero nang tignan ko ang size ng mga ‘to ay nadismaya ako. Medium ang mga size ng mga ‘to. Ang size kasi ng mga damit ko ay double XL kaya sigurado akong hindi para sa ‘kin ang mga ‘to.
May lalaki si Mia. Kung may lalaki pala siya ay mukhang pineperahan niya lang ako. Ginagamit pa niya ang pera ko para magbigay ng regalo sa lalaki niya.
Humanda siya sa akin. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang panggagago sa ‘kin.
Bumalik ako sa Brook Farm para lagyan ulit ng scath tape ang box. Inutos ko sa isang kaibigan ko na siya na lang ang magdala nito sa bahay nila Mia para hindi niya mahalata na huli ko na ang panglalalaki niya. Sinabi ko na lang sa kaibigan ko na sabihin niya kay Mia na sa kaniya ‘yon inabot ni Mang Domeng dahil nagmamadali ‘to.
Hapon ako nang pumunta sa bahay nila Mia. Buo na ang desisyon ko. Hindi ang babaeng gaya niya ang nararapat sa akin. Hindi ko deserved ang ganiya niyang manloloko. Pagdating ko sa bahay nila ay agad niya akong sinalubong ng yakap. Walang tao sa kanila nang dumating ako. Agad niya akong hinila sa loob ng kuwarto niya. Tinanggal ang sinturon at saka ibinaba ang pantalon ko. Tahimik muna ako. Hahayaan ko na muna siyang gumawa nang ipambabayad sa akin. Ganito ‘yan e. Kapag nakakagawa siya ng kasalanan sa akin ay gaganituhin niya ako. Idadaan niya ang lahat sa pakikipag-s*x sa akin dahil alam niyang iyon ang gusto ko at ‘yon ang nagpapakalma sa ‘kin. Pero hindi na ngayon, dahil natauhan na ko.
“Araw-araw magse-s*x na tayo, Mia,” sabi ko sa kaniya habang subo-subo niya ang ari ko. Natigil siya sa ginagawa niya nang marinig ang sinabi ko.
“H-ha? Araw-araw? B-bakit?”
“Bakit? Anong problema? Mag jowa naman tayo ‘di ba? Bakit may iba ka ba at ayaw mong pumayag na araw-araw tayong mag-s*x?” Hinuli ko agad siya.
“W-wala. Oh, sige, kung ‘yan ang gusto mo ay payag ako. Araw-araw tayong mag-s*x para mapasaya kita,”sagot niya at saka muling tinuloy ang ginagawa sa ‘kin.
Wala siyang alam na limang araw ko na lang siyang susulitin dahil hihiwalayan ko na siya. Humanda lang siya dahil ibang wild sa kama ang ibibigay ko sa kaniya. Sisiguraduhin kong maghihinayang siya sa akin kapag hindi na kami. Baka kasi nakukulangan lang siya sa akin kaya naghahanap pa siya ng iba. Ang dami-daming babae na patay na patay sa akin, pero siya namang nasungkit na nga ako, pero ginagawa lang pala akong tanga. Pagsisihan niya na ginago niya ako.