Lucio’s POV Patingin-tingin sa paligid si Skyla nang maging hubu’t hubad na kami pareho. Tila nahihiya siya dahil iniisip niya na baka may lumitaw na tao rito. Ang hindi niya alam, may mga code kaming nilalagay sa bungad nitong ilog na kapag may sinabit kaming pulang kulay na tela sa may puno ay ang ibig sabihin niyon ay may tao sa ilog at may nagde-date kaya bawal istorbohin. Ang hindi rin alam ni Skyla ay talagang lugar na namin ito na kung saan ay puwede naming pagdalhan ng mga babaeng aming iniibig. Nang sa ganoon ay makatipid kami sa mga gastos sakaling sa sinehan o sa mall man namin dalhin ang aming mga girlfriend. Dahil sa ilog na ito, malaki rin talaga ang natitipid ng mga taga rito. “Akala ko ba’y mag-aano na tayo? Ano at parang tulala ka diyan na patingin-tingin sa paligid? Umu