Lucio’s POV Gabi na nang makauwi ako sa farm. Latang-lata ako sa naging biyahe namin, sobrang traffic kasi, panay pa ang pagtawa sa akin ni Skyla. Hindi niya makalimutan ang ginawa niyang parusa sa akin kanina. Nang hubu’t hubad akong umahon sa tubig kanina ay talaga namang agaw-pansin ako sa mga tao. Lahat sila, nakatingin sa akin. Lahat sila nanlalaki ang mga mata. Ang plano ko, tatakbo sana ako para saglit lang ang kahihiyan na mangyayari, kaya lang nagdagdag ng utos si Skyla. Habang hubu’t hubad kasi ako ay aakayin ko siya, ‘di naman ako puwedeng umangal dahil trabaho ko naman talaga ‘yun. Hindi ko siya basta-basta puwedeng iwanan at baka malunod siya doon at bulag nga kasi. Ayon, todo-todo ang kahihiyan na nangyari sa akin. Sinadya pa ni Skyla na bagalan ang lakad niya kaya wala na