Lucio’s POV Hindi ko inaasahang may gaganda pa pala ang farm namin. Kung titignan, tila pinaka maganda na ngayon ang farm namin sa lahat ng farm dito sa Maanghang Town. Sa mga nakita ko, tila nga pinag-aksayahan ng oras at pagod ni Skyla ang lahat dito. Kanina, habang nag-iikot ako, panay ang banggit ng mga staff ko tungkol sa naging pamamalakad dito ni Skyla nitong mga nagdaang araw. Lahat sila natuwa, lahat sila nabusog pa raw sa mga masasarap na pa-merienda nito. Hindi naman na nila kailangang sabihin ‘yun dahil kay Lele pa lang, naka-record na agad ang lahat at araw-araw niyang nire-report ang mga magagandang ginagawa rito ni Skyla. Mukhang seryoso nga siya sa pagbawi sa amin ni Lola Igna. Kaya lang, huwag ngayon, masyado pang sariwa sa mga puso naming maglola ang lahat ng mga ginawa