Chapter 5 Hindi Ako Si Baby,,

1343 Words
Nang Makauwi ako ng aking bahay Isa- isa kong pinagbabalot sa plastik ang aking pinamiling groceries. para dalihin ko ulit sa Ilalim ng tulay at ipa mod -mod sa mga batang Napapabayaan ng ka nilang magulang. Alam kong mali ang aking ginagawang pan lalamang sa kapwa ko. Ngunit ito lang ang tanging paraan para makatulong ako kay lola Tasha, at sa mga apo nitong nag aaral at syempre sa mga batang kapos palad. Sinubukan ko rin naman mag hanap ng trabaho kaya lang walang may gustong tumanggap sa akin dahil masiyado raw akong maganda. Sinubukan ko rin mag apply sa Club, bilang Waitress, Kaso lang hindi pa ako nakapasok ng club, may apat na Lalaking humarang ka agad sa akin, Bawal -daw ako sa loob dahil nene pa raw ako. Kaya ito ang kinabagsan ko masmabuti na ito Dahil isang pitik lang ng aking kamay nagkakapera na agad ako. Kung sakaling, natanggap ako sa trabaho. iintayin ko pa ang ilang araw bago sumahod. Paano na lamang sila lola Tasha at ang mga apo nito, Kung maghihintay pa ako ng ilang araw bago ako mag kapera. Pagkatapus kong ipag babalot sa plastic ang aking pinamili. Tumawag ako ng mag bubuhat, ng basket na may lamang groceries, na ipamimigay ko. Buti na lang nakita ko agad si Dodoy, At ito ang inutusan kong mag buhat ng basket para ilabas sa labasan. dahil hindi makakapasok ang tricycle dito sa looban. "Salamat Dodoy, Ito para sayo" Sabay abot ko ng pera dito bayad sa kanyang pag bubuhat ng mga basket. ng makakita ako ng paparating na tricycle ay agad ko itong pinara. "Ineng saan ang punta mo?" "Manong dyan lang po sa may ilalim tulay malapit lang naman po, "Sige Ineng tulungan na kitang isakay ang dala mo. "Salamat po manong" Ng maisakay na ni manong ang lahat ng basket na may laman groceries,umalis na kami agad, Sampung minuto, lang ang byahe nakarating na kami sa may tulay. "Manong pwede po bang patulong magbuhat ng mga basket na yan, pababa Dadalhin ko po kasi sa mga taong naninirahan Dyan sa ilalim ng tulay, maganda naman po ang daan hindi po tayo mahihiram bumaba, Magdadag na lang po ako ng bayad. "Oo Ineng saan ba ang daan para maibaba ko na itong ibang basket?" Tanong ni manong, "Dito po, ang daan manong, turo ko kay manong driver. Maya-maya nagulat ako ng may humintong mamahaling sasakyan malapit sa akin at may bumabang apat na lalaki, At mabilis lumapit sa akin, At nagulat na lamang ako ng bigla na lamang nilang binuhat ang basket ko, At ibinaba rin nila sa ilalim ng tulay. "Teka sino ang mga yun! Kilala ba nila ako? Bulong ko "Mga kuya sino kayo?" Tanong ko sa apat na lalaking tumulong magbuhat ng basket na may laman groceries. Ngunit ang apat na lalaki basta nalamang umalis.At hindi man lang, tumitingin, Sa akin kakamot kamot tuloy ako sa aking ulo. Sino kaya ang mga yun? Nagtatakang tanong ko sa akin Sarili. Buti naman hindi na nahirapan si manong magbaba ng basket, medyo mabigat pa naman ang mga basket ko. "Sige iha aalis na ako" "Sandali po manong dalihin nyo po ito, isang balot na plastik na may lamang groceries, at inabutan ko rin si manong ng five hundred pesos. Para kahit papaano may dagdag kita si manong. "Nako Ineng salamat siguradong matutuwa ang mga anak ko rito. "Sige Ineng hindi na ako magtatagal, paalam, ng matanda. "Sige po manong salamat po ulit at mag ingat po kayo? Nang makita ako ng mga bata ay isa -isa na silang pumila sa harapan ko,habang inaabot ko, ang balot -balot na plastik na may laman grocery. Natutuwa ako sa mga bata dahil hindi rin nila nakakalimutan magpasalamat sa akin. "Salamat ate Jackie Saad ng isang bata, Nakangiti. naman ako sa bata ng maipamahagi ko na sa mga bata ang kanilang mga grocery. Masaya akong nagtugo sa bahay ni lola Tasha, "Lola Tasha, Tawag ko sa matanda habang nasa labas ako ng barong- barong nito. Nag mano muna ako sa matanda bago ko iniabot dito ang pinamili kong grocery. "Salamat Ineng" "Lola, Tasha hindi muna ako bumili ng bigas nyo" dahil nakita ko po madami pa naman kayong bigas. Wika ko sa matanda. "Ayos lang Ineng" "Sige po, Lola Tasha, hindi na po ako magtatagal. May pupuntahan pa po ako Balak ko pong mag bar ngayon, Wika ko sa matanda. "Bata ka, baka malasing ka may manyaring masama sama sayo. Hindi po ako mag papakalasing. "Ay siya basta mag iingat ka,At wag kang magpapakalasing para makauwi ka sa bahay mo. Saad ng matanda sa akin habang nag aalala ito. "Opo, lola Tasha, wag po kayong mag Alala Uuwi po akong gumagapang na po. Pabiro kong sagot kay, lola Tasha. "Talagang bata ka pasaway ka" "Hindi po uuwi rin po ako agad Lola hindi na pi ako magtatagal. Saad ko sa matanda bago ako umalis. "Teka bakit hindi pa umaalis ang sasakyan na yun! May hinhintay ba sila? Bulong ko. "Sumakay ulit ako ng tricycle pauwi, Maaga pa naman magliligo muna Bago ako pupumunta ng bar. Magwawal ako ng kaunti ngayon bulong ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng aking bahay at mabilis rin ako ng naligo.At nagbihis.Isang maikseng short at blouse na labas ang tiyan ang suot ko nag flat shoes lang din ako at nag suot lang din ako ng hairband sa aking ulo. Pinasadahan ko muna ang aking sarili ko sa harap ng salamin. napa ngiti naman ako ng makita ko ang sarili ko, dahil kahit simpli lang ang sout ko bagay naman sa akin. Labas na labas din ang aking hitang mapuputi at mahahaba naglagay lang ako ng polbos sa aking mukkha at lipstick naman sa aking labi. Ng sa tingin kong ayos na ang aking sarili lumabas na ako ng bahay ko, isinarado ko muna ng mabuti ang pinto ng aking bahay. Aalis na sana ako ng makita ako ni Garry, kaya mabilis itong nakalapit sa akin. "Jackie akala ko ba mawawala ka ng ilang araw dahil.ang sabi mo mag aayos kayo ng kasal ng mapapangasawa mo?" "Ah eh oo umuwi lang ako dahil may nakalimutan ako, Sagot ko "Sige aalis na ako baka naghihintay na sa aking ang baby loves ko, Saad ko sa lalaki at nagmamadali akong umalis sa harapan ng lalaki. Sumakay agad ako ng taxi at nag pahatid ako sa sikat na Bar. Ang XVBar. "Kuya sa XVBar po tayo. WIKa ko sa driver. Makalipas ang sandali nakarating na rin Ako ng XVBar. "Kuya magkano po ang Bayad Hanggang Dito?" "Two hundred po Ma'am" Sagot naman ni kuyang Driver. kaya inabotan ko ito ng Two hundred pesos. "Salamat" Saad ko sabay baba ko ng taxi. Pagka baba ko ng taxi. napukaw ko ang mga mata ng mga kalalakihan. "Ms,May id kaba saad ng Guard na humarang sa akin. Buti na lang hindi ko nakalimutan ang id ko. "Opo meron po" kaya kinuha ko sa loob ng bag ang id ko at punakita ko sa Guard ang id ko. "Ms. Ikaw ba talaga ito?" Tanong ng Guard sa akin habang kakamot kamot ito sa kanyang ulo. "Bakit may problema sa id ko?" Tanong ko. "Wala naman po" "Wala naman pala eh. Pwedi na akong pumasok? "Opo maam pwedi na po, sagot naman nito agad akong pumasok baka bigla pang magbago ang isip ng Guard hindI pa ako papasukin. Nag order agad ako ng aking maiinum ng makahanap ako ng aking mauupuan. Hanggang sa sinimulan ko ng mag inom Nakaka apat na ako ng bote ng beer kaya medyo duling na ako, ang paningin ko. Maya-Maya may umopo sa bakanteng upuan kong saan ako nakaupo. "Baby sinong may sabi sayo na mag punta ka dito? Saad ng lalaking kaharap ko "Anong tawag niya sa akin Baby?" Eh hindi naman ako mukhang baby. Bulong ko. "Hoy! Lalaki, hindi baby, ang pangalan ko, Jackie Mindez. Tandaan mo yan! Lasing kong sambit sa lalaki. Pero Parang pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin. Baka naduduling lang ako. Kaya ang tingin ko ito Yung lalaking lagi kong dinudukotan. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD