"Lola aalis na po kami, babalik na lang po ako sa isang araw" Saad ko kay lola tasha. "Sige Ineng mag iingat kayo sa pag uwi wag kang mag-alala sa amin. ayos lang kami dito at isa pa alam namin kung kailan kami lilikas" Saad ni lola Tasha. "Sigurado po ba kayo lola?" Kung gusto niyo po dito na lang muna po ako matutulog para may makasama kayo" "Wag na ineng ayos lang kami dito Umuwi kana upang makapag pahinga kana rin ng maayos' "Sige po lola hindi na po kami magtatagal ng kasama ko At heto po, iiwanan ko na rin po Itong limang libo, para sa pangangailangan po ng mga apo ninyo, sa pag aaral nila. Saad ko sa matanda habang inaaabot ko ang pera. "Nako Ineng itabi mo na lang 'yan para sa sarili mo may pera pa naman Ako dito. "Tanggapin nyo na po ito pandagdag sa gatosin, sa pag-Aa