Pumasok ako sa banyo upang maligo ngunit hindi ko pa rin maiiwasan mag-isip bakit ganun na lang ang galit ng lalaki sa akin. "Dahil ba sumaway ako sa kasunduan namin dalawa? Pero mababaw lang naman na dahilan 'yun. O baka naman, Sira talaga ang totok ng lalaking 'yun, Hindi bali na nga pag -inulit niya pa akong saktan hindi ako mag-dadalawang isip na labanan siya. Sino siya para saktan niya ako. Bulong ko. Nag mamadali akong naligo dahil gusto kong magpahinga ng maaga. Pagkatapos kong maligo sa loob na rin ng banyo ako nagbihis siningurado kong nakapadyama at tshirt ang suot ko, nagdala talaga ako ng padyama upang hindi ako masilipan, malikot pa naman akong matulog paglabas ko ng banyo may nakahandang pagkain sa ibabaw ng lamesa nakaramdam ako ng gutom ngunit hindi ko ito ginalaw. B