“Hoy ‘Neng! Gising na d’yan! Nasa Maynila na tayo oy! Tulog nang tulog, tsk tsk!”
Agad akong napabalikwas nang marinig ang matining na boses ng kundoktor sa sinasakyang kong bus. Luminga-linga ako sa paligid at nakita kong nagsisibabaan na ang mga pasahero tanda na nasa terminal na kami. Natulog kasi ako buong byahe. Hindi naman ako excited makapunta rito sa Maynila. Ayoko ngang pumunta rito dahil kuntento na ko sa buhay namin sa Laguna. Payak pero masaya. Kaso, kaka-graduate ko pa lang sa high school ay kinukuha na ko ng Lola ko na nagtatrabahong kasambahay dito. Nirekomenda ako ng Tatay ko sa kanya para magtrabaho raw muna. Uunahin daw kasi muna si Ate Jenelet na makyatapos sa kolehiyo bago ako. Kaya mas mainam daw na kay Lola muna ako, kumikita pa.
Sinoot ko ang kaninang yakap-yakap kong backpack at isang malaking bag. Inayos ko muna ang buhok kong may mga takas na hibla, nagulo dahil sa pagkakatulog ko. “Salamat, Manong!” sigaw ko sa konduktor bago bumaba ng bus. Agad akong tinamaan ng sinag ng araw pagkaapak ko palang sa semento. Halos nakapikit na ako sa pagkasilaw. Naglakad ako para lumilim. Luminga ako sa paligid at tiningnan ang oras, pasado alas-otso na. Hindi ko nilapag ang gamit dahil kabilin-bilinan ni Mama na huwag ihihiwalay ang mga gamit sa akin at marami raw snatcher sa Maynila.
Dinukot ko ang kapirasong papel sa likod na bulsa ng pantalon kong maong. Ang pinakapaborito kong pantalon sa lahat ng damit ko. Blue skinny jeans na stretchable. Pamasko sa akin ni Mama at Papa. Binasa kong mulit ang address na binigay ni Lola. Wala akong ideya kung paano ako makakapunta rito. Hanggang pagsakay ng bus pa-maynila ang turan sa akin ni Papa. Magtanong na lang daw ako pagdating ko rito.
“Sino kaya mukhang may alam..” pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa paligid ko. May mga naghihintay sa waiting shed, naglalakad, nakyatambay na nagbabasa ng dyaryo at nagse-cellphone. Nahagip ko ang isang security guard.
Lumapit ako. “Manong! Pwedeng magtanong?”
Pinasadahan niya ako ng tingin bago nagsalita. “Ano ba ‘yon?”
“Baka alam niyo kung paano pumunta sa address na ‘to?” pinakita ko sa kanya ang kapirasong papel at pinabasa.
Kunot-noo niya iyong binasa at ilang segundo pa ay medyo umaliwaslas ang mukha signal na alam niya siguro ang daan papunta.
“Ah, mga dalawang sakay na lang ‘yan dito, Neng..” Tumingin siya sa akin at inumuwestra niya ang kanyang kamay at may itinurong direksiyon. Sinundan ng paningin ko ang tinuturo niya. “Nakikita mo ‘yong pilahan ng Jeep na ‘yon? Pumunta ka ro’n at hanapin mo ‘yung may signage na Malvar. Sumakay ka roon tapos sabihin mo sa driver ibaba ka sa Malvar Street. Pwede mo na iyong lakarin magmula roon, kaya nasa malaking subdivision ‘yang address na ‘yan, mansyon ‘yan e. Kung may budget ka mag-tricycle ka, doon ka na mismo ibaba niyan.”
Tumango-tango pa ko sa kanya. Tinandaan kong maigi yung sinabi niya. “Sige-sige po, Manong. Maraming salamat!”
Tumango naman siya sa akin at mulit akong pinasadahan ng tingin. “Mag-aapply ka bang katulong doon? Mukhang dayo ka a,”
Alangan akong ngumisi. Halyatain ba? “E o-opo..” nagsimula na kong maglakad. Pero narinig ko pa rin yung hulitng sinabi ng security guard na iyon.
“Aba, masuwerteng bata. Makakapasok sa mga De Silva..”
Hindi ko alam kung anong klaseng turan iyon kaya binalewala ko na lang.
Nagpatuloy ako sa pagtawid sa kabila. Hinanap ko ang jeep na papuntang Malvar sumakay ako at nagpababa sa roon. Dahil sa hindi ko kabisado ang daan ay sumakay na rin ako ng tricycle. Mababawi ko naman ang ginastos ko sa pamasahe kapag nagtrabaho na ko. Nakakatuwa lang dahil pagkapasok namin sa subdivision ay nalula ako sa naggagandahang malalaking mga bahay dito. Kulang ang sabihing Mansyon iyon. “Grabe, ang Mamahal siguro ng materyales sa mga bahay dito. Yamanin mga tao rine!” nakaawang pa ang labi ko sa pagkamangha.
Mayamaya pa ay huminto ang tricycle. “Neneng ‘eto na iyong address na hinahanap mo.” sabi nu’ng driver.
Bumaba ako.
“Wow..ang laki pala..”
Natulala ako. Walang binatbat iyong mga unang bahay na nakita ko. Dahil itong nasa harapan ko ay palasyo! Iyong bang kasing laki ng nakita kong palasiyo ni Queen Elizabeth. Nabungaran ko ang malaking brown na gate.
“Napakalaking bahay. Manong baka Malacañang na ‘to?” Ttanong ko nang hindi lumilingon.
Narinig ko ang ngisi niya. “De Silva ‘‘di ba? Nag-iisa lang ‘yang mansyon ng mga De Silva, walang iba. Bayad mo, Ne.”
Nagbalik ang ulitrat ko roon. “Nga pala! Pasensiya Manong nabighani po ako sa palasyo na ‘to. Magkano po?”
Tinitigan pa ko ni Manang na parang may nakakyatawa akong sinabi. “Trenta.”
“Trenta?! Ang mahal naman! Hindi naman kalayuan ‘tong biniyahe na’tin ah!”
“Neng, diskwento ka na nga roon e.”
“Bakit naman po ang mahal? May mabibili na kong isda niyan sa talipapa naming.”
Napakamot sa ulo si Manong. “Neng, mahal ang bilihin at bayarin dito sa Maynila. ‘Wag ka nang magulat. Magkano ba kaya mo?”
“Kinse.”
“Kinse? Sana hindi ka nag-espesyal na sakay kung maliit lang budget mo. Naku naman o, mga probinsyana talaga, mga inosente. Hulit na ‘to, bente? Tapat na ‘yan. Walang kontra!”
Hindi na ko tumutol at nagbayad na lang ng halagang gusto niya. Pagkabigay ko ay sumibat na paalis ang tricycle. Lumapit ako sa gate at tinanaw ang loob. Ang ganda talaga.. Naghintay ako roon kung may lalabas pero tahimik. “La!” sigaw ko. Kaso nagulat ako nang may tumahol na aso sa kalapit bahay. “Naingayan?”
Hinanap ko ang doorbell. Pinindot ko ng isang beses. Ilang saglit lang ay bumukas ang front door. Lumaki ang ngiti ko nang makita ko ang Lola ko. “Lola!” kumaway ako sa kanya.
Nanliit pa ang mga mata ng Lola ko at tila kinikilala ako habang lumalapit sa gate. “Jahcia? Ikaw na ba iyan?”
Ngumiti ako. Matagal ko na rin ng hulitng kita namin ng Lola ko. “Opo. Si Jahcia po ito ‘la,”
“Jahcia! Susme, dalaga ka na pala! Hala, pumasok ka.”
Binuksan ni Lola ang gate. Nagmanong ako agad sa kanya. At kitang-kita ko ang galak sa mukha ng Lola. “Kamusta po, ‘la?”
Hinawakan niya ang pisngi at braso ko. “Hindi kita agad nakilala. Ang laki ng pinagbago mo ng hulitng uwi ko sa Laguna, apo. Ang ganda-ganda mo. Ilang taon ka na nga?”
“Seventeen po.”
“Naku! Magdidisi-otso ka na? Pwede ka ng mag-asawa!”
Napakamot ako sa ulo. “Wala pa po akong balak, Lola. Bata pa po ako saka magkokolehiyo pa po ako. Malayo pa po iyon.” hiya kong sagot.
“Mabuti naman. Halika pumasok ka na. Mamaya ipapakilala kita kay Sir Reynald. Alam mo sabi niya sa akin pwede niya raw sagutin ang pag-aaral mo sa kolehiyo.”
Naglalakad kami papasok sa Palasyo pero napatda ako sa sinabi ni Lola. “Pag-aaralin po ako ng amo niyo, Lola?”
“Oo. Kapalit daw ng pagtulong mo rito sa akin. Nasabi ko kasi iyung sitwasiyon niyo sa Laguna at ang dahilan ng pagpunta mo rito. Sabi niya susuwelduhan ka niya at sasagutin ang tuition mo. Kaya huwag mong kakalimutang magpasalamat Mamaya.”
Na-excite ako. Nakagat ko ang pang ibabang labi. Makakapag-aral ako ng libre! Almost, dahil kapalit iyon ng pagtulong dito. Hindi na masama. Baka sabay pa kameng makyatapos ni Ate Jenelet. “Naku Lola ang galante po pala at ang bait ng amo niyo rito.” Dumeretso kami sa kusina. Nilapag ko ang bag pero soot ko pa rin ang backbag ko. Nag-iikot ang paningin ko sa kusina. Malaki at magarbo. Hindi ko masyado nabigyang pansin iyong labas kanina dahil sa na-excite ako sa nalaman kong makakapag-aral na ako. Pinaupo ako ni Lola.
Habang kumukuha siya ng inumin yyata sa malaking Refrigerator. “Mabait talaga iyong alaga kong iyon. Mukha lang suplado pero may pusong busilak iyon. Hindi lang pinapakita.”
Ngumuso ako. “Marami po bang nakatira rito, ‘la?”
Binaba niya sa harap ko ang isang baso ng juice at sandwich. “Sa ngayon, halos walang tumitira rito. Si Sir Reynald lilipat na sa pinagawa niyang bahay. Mag-aasawa na yata ‘yon e. Ewan ko ba. Iyong Kuya niyang si Sir Johann, nasa America. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Masayahin ang batang iyon pero ng tumulong sa construction biglang nagbago. Naging mailap at palaging galit..”
“Iyon pong mga magulang nila?
“Iyong ina nila, matagal ng pumanaw. Iyong ama nila, may pamilya ng iba. Nasa ibang bansa na rin.”
Uminom ako. Pero nang tingnan ko ulit ang tinapay kumalam ang sikmura ko. Kumain ako habang panay ang kwento ni Lola. Ako naman ay ilang tanong dahil naku-curious din ako.
“Pero meron silang malapit na pinsan. Minsan dumadalaw iyon dito. Kung minsan nagbabakasiyon din. Sa ngayon busy sa negosyo ng pamilya nila at sa babae,” sabay iling pa niya na nangingiti.
“Palakero po? Baka may itsura. Sa yaman nilang ito, talagang maraming babae ang lalapit sa kaniya.”
“Mukhang ako yyata ang pinag-uusapan niyo Manang ah?”
Isang baritonong boses ang nagpahinto sa pagkagat ko sa tinapay. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Lola pero agad ding napawi at ngumiti. “O ikaw pala, Sir Matteo. Hindi ko napansin ang pagdating mo.”
Unti-unti akong lumingon sa aking likuran. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nag-uunahan sila at nagwawala. At lalo pa itong bumilis nang magtama ang mga paningin namin ng pinakagwapo na yyatang lalaki na nakita ko sa tanang-buhay ko. Artista ba siya? Para akong naestatwa sa kinyatatayuan ko at hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya. Nakita ko rin ang pagpasada niya ng tingin sa akin, sabay ngiti.