THE CHEATER AND THE SNAKE EUNICE HAZE VALERIANO "Welcome to Kahit Saan Pas-" naputol ang sasabihin niya nang mag-angat ng ulo at tignan ang nasa harap ng counter. It is none other than the gold-digging bastard who cheated on her and on his side is the 'best friend'. "Anong ginagawa mo rito? Anong ginagawa niyo rito?" mariin at matapang na tanong niya sa mga ito. Napakakapal talaga ng mukha ng dalawang ito at nakuha pang magpakita sa kanya. Kumuyom ang kamao niya at talagang nanginginig siya sa galit ngunit hindi niya ibibigay sa mga ito ang satisfaction na makita siyang pikon. Napalingon sa gawi niya si Lucas na kasama niya sa counter at agad na nagdilim ang mukha nang makita ang dalawa. "Who said you can be here, asshole?" tanong nito kay Zeus habang masama ang tingin nang tuluyang