WORDS CUT DEEP EUNICE HAZE VALERIANO A few days later.... "Good afternoon, sexy love," wika ni Marde sa kanyang likuran saka pumulupot ang mga braso sa kanyang bewang at humalik sa kanyang nakalantad na batok. "Good afternoon," nangingiting sambit niya saka isinandal ang katawan dito at pinagpatuloy ang paghiwa ng ilang mga sangkap. She is making caldereta, a simple lunch for the both of them. Ilang araw na itong nandoon at hindi niya alam kung may balak pa itong umuwi o doon na ito titira kasama siya. Hindi niya naman ito tinatanong dahil gusto niyang nandoon lang ang binata, gusto niya itong nakikita and they can 'explore' gaya nga ng sabi nito in many and different ways they want and can think off. "What are you going to cook, sexy love?" tanong nito bago isinubsob ang ulo sa kan