ALIXIEL'S LOVE INTEREST MARDE NICHOLAS LOPEZ MARDE arrived at Alixiel's mansion. It is huge, but he can say that it is cold, dark and empty. Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng bahay nito, saka na lang niya ipapasok iyon kapag pinagbuksan na siya nito ng gate. Nakailang door bell na siya ngunit wala pa ring nagbubukas ng maliit na gate kaya't sinubukan niyang itulak iyon. Laking gulat niya nang hindi iyon nakasara ngunit dire-diretso pa rin siyang pumasok sa loob. "Alixiel," tawag niya sa pangalan nito sa malawak at madilim na sala ngunit walang sumagot sa kanya. Namataan niya ito sa labas ng salamin na pinto. "Ali," tawag niya sa pangalan ng pinsang nakatanghod sa malawak na hardin. Agad na umikot ang lalaki at humarap sa kanya. "Marde, glad to have you here," tugon nito bago luma