CHAPTER 11

2535 Words

ESCAPE FROM EMBARRASSMENT EUNICE HAZE VALERIANO MALAKAS na pagtunog ng telepono ang gumising sa mahimbing na natutulog na diwa ni Eunice. Kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan na madalas niyang paglagyan niyon ngunit wala ito doon kaya't patuloy pa siyang kumapa sa kanyang tabi. Natabig ng kamay niya ang nagvi-vibrate na cellphone, agad niya iyong dinampot at pikit-matang sinagot ang tawag. "Hello?" inaantok niyang bungad sa taong nasa kabilang linya ng telepono na sinundan niya ng malakas na paghikab habang nananatiling nakapikit ang mga mata. "Eunice where are you?" tanong nito, hindi pa gising ang diwa niya kaya't hindi niya matukoy kung sino ang kausap. "Bed," sagot niya bago muling humikab, inaantok pa talaga at sobrang naiistorbo siya ng kung sino mang tumatawag sa mga ora

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD