Tamang-tama nang matapos silang kumain ay dumating ang mga magulang ni Cleo. At agad silang nagtaka kung sino ang matipunong lalaki na kasama nila sa sala. Tumayo ang mag-asawa at nagmano sa bagong dating "Magandang umaga po." bati ni Zoey sa kanila. Tumugon naman ito nang maaayo ngunit tila nagtatanong ang mga mata nila. Nagbatian ang bawat magulang nila at sak umupo na sila. "Cloe, sino siya?" tanong agad ng kaniyang ama. "Asawa ko po siya," nakayukong tugon ni Angelo. "Asawa?!" gulat ang reaksyon nang mag-asawa. "Cleo, alam mo ba ito?!" seryosong tanong ng kaniyang ama at nakakunot ang noo nito. "Yes, Pa. Ikinuwento ng asawa ko ang lahat-lahat bago pa lang kami nakakakilala. At hindi naman lingid sa inyong kaalaman na dating gay si Angelo," direktang tugon niya. Kapwa