Nang matanaw ni Angelo si Zoey na marami ang binababa mula sa sasakyan ay dali-dali itong lumabas upang tulungan ito. "Ang dami naman ng mga pinamili mo." Angelo says. "Mga prutas lang ito para kay Cloe, at bumili na rin ako ng wheelchair." "Ay, mabuti naman at naisipan mong bumili niyan. Salamat!" "To make sure na safety ang baby tanin." Hindi na sumama si Zoey, sa loob ng kuwarto at dumiretso siya kusina upang hugasan ang mga prutas na kaniyang dala. At si Angelo naman ay dinala niya ang wheelchair sa loob ng kanilang kuwarto. "Mhey, tingnan mo ito. Para sa iyo." Humarap naman si Cloe at kaniyang tiningnan ang tinutukoy ng asawa. Bigla siyang nakaramdam ng saya nang makita niya ang wheelchair. Bahagya siyang ngumiti at dahan-dahang umupo. "Halika, mhey." At inalalayan n