Sa mga katangian na ipinakita Dr. Zoey, ay mas lalong nahuhulog ang loob ni Angelo sa kaniya. At ganoon rin naman siya. Lumalim ang gabi ngunit nanatili pa rin sa kaniyang piling ang doktor. Na patuloy pa rin siyang inaalagaan. "Zoey, malalim na ang gabi hindi ka pa ba uuwi? "Hindi kita iiwan dito Angel, dito lang ako sa tabi mo," tugon nito. "Salamat! Magpalit ka muna ng iyong damit at pumili ka na lang diyan sa kabinet. Kasya mo naman yata ang aking mga t-shirt," aniya rito. Kumilos naman si Zoey at kumuha ito ng damit sabay pasok niya sa banyo upang maligo. Lihim na napangiti si Angelo sa ginagawa ni Zoey sa kaniya. Hindi niya inaakala na matugunan rin pala ni nito ang kaniyang pagmamahal. Nang matapos itong maligo ay humiga na ito sa tabi niya. Agad namang nakaramdam ng kaba