NAKAUWI sa probinsiya si Allezandra at nagtaka naman ang ina nito, dahil marami siyang mga dala na pasalubong para sa kaniya.
"Anak, ang dami naman nito, saan ka naman kumukuha ng pambili ng mga 'yan?" tanong ng kaniyang ina.
"Nakapag-advance ako ng dalawang buwan, Mama. Para dagdag ko sa gastusin dito." Pagsisinungaling na naman niya.
"Ganoon ba? Salamat sa mga ito, anak."
"Welcome, Ma. Si Peter pala hindi nagpunta dito?"
"Kaninang umaga nandito siya. Tawagan mo na lang."
“Okay, Ma.”
Tinawagan niya si Peter at sinabing nakauwi na siya at sa simbahan na lang sila magkikita bukas.
Kinabukasan ay natuloy ang kasal nina Peter at Allezandra. Sobrang saya ang naramdaman ni Allezandra sa mga oras nang iyon. Sapagkat naikasal siya sa taong totoo niyang minahal.
"Mahal, ngayong tapos na ang kasal natin ano ang plano mo?" tanong ni Peter sa kaniyang katabing asawa at pareho silang hubot-hubad. Sapagkat katatapos lang nilang magsiping.
"Ang plano ko mag-ipon tayo. Kapag nakaipon na tayo ay hihinto na ako sa aking trabaho. At dito na lang tayo mag-negosyo," tugon ni Allezandra.
"Sige, mahal. Pagbibigyan kita diyan sa gusto mo. Pero minsan dalawin kita doon."
"Huwag na, mahal!" Taranta niyang sagot at nagulat naman si Peter.
"Huh?! Bakit huwag? Bakit ganiyan ang reaksyon mo? May itinatago ka ba, mahal?"
"A—Wala naman. A-ano kasi, mahal. Sayang ang pamasahe idagdag na lang natin sa ipon iyang ipamasahe mo papunta doon." Palusot niya sa asawa.
"O-okay, sige."
AFTER ONE WEEK ay nakabalik na sa Manila si Allezandra. At pansin agad ni Symond ang pagpayat ng asawa.
"Baby, may problema ba sa probinsya?" tanong ni Symond habang magkasama ang dalawa sa kama.
"Wala naman, baby."
"Pero bakit nangayayat ka? Parang wala kang eksaktong tulog."
"Ano kasi, baby. Ako ang nagbabantay kay Mama sa hospital, kaya ganito."
Pagsisinungaling na naman ni Allezandra. At ginamit pa ang kaniyang ina na hindi naman totoong nagkasakit ito.
"Okay na ba si, Mama?"
"Oo, Okay na siya."
"Mabuti naman kung ganoon."
"Matulog na tayo, baby. Antok na ako."
"Okay, baby. I love you— I miss you so much!" Symond says sabay yakap sa asawa habang nakatalikod ito sa kaniya.
ISANG buwan ang nakalipas at nagising si Allezandra na masama ang pakiramdam.
"Baby, para akong nahihilo," sabi ni Allezandra.
"May masakit ba sa iyo?" Pag-alala ni Symond at agad kinapa ang noo ng asawa pero normal naman ito.
Kinabahan si Symond, dahil biglang namumutla ang kaniyang asawa.
"Sandali, baby! Tatawagin ko lang si Mama, huwag kang tumayo, ha."
Nagmadaling lumabas si Symond at pinuntahan ang ina. At agad naman itong nakabalik.
"Buntis yata ang asawa mo," sabi ni Mrs. Marites.
"Sigurado ka, Mama?" bulalas niyang tanong sa ina na may kasamang excitement.
"I'm not sure, anak. Mas mabuti siguro kung dalhin mo na siya sa doctor," suhestyon ng ina.
Medyo kinabahan naman si Allezandra, sapagkat hindi pa siya handang magbuntis. At malakas ang kaniyang pakiramdam na kay Peter ang kaniyang dinadala, kung sakali mang buntis nga talaga siya.
"Congratulations! Mr. and Mrs. Cliff. Your wife's one month pregnant." Masayang balita ng doctor.
"Wow! Magiging Daddy na ako. Thank you, baby."
Ngunit hindi masaya si Allezandra sa kaniyang narinig. Bigla itong lumabas sa clinic at iniwan ang asawa sa loob. Si Symond na lang ang humingi ng dispensa sa doktora.
"Baby, hindi ka ba masaya na magka-baby na tayo?"
"Hindi! Sinabi ko naman sa'yo na ayaw ko pang mabuntis! Gusto ko siyang ipalaglag!" aniya rito.
"What?! Are you crazy?! Baby, malaking kasalanan 'yang pinagsasabi mo! Ano ba ang problema mo, ha?! Kaya naman nating ibigay ang lahat ng gusto niya," galit na tugon nito.
"I-I'm sorry— Hindi pa kasi ako handa!"
"Allezandra! I warning you. Kapag may gagawin kang hindi mabuti sa anak natin. Talagang hinding-hindi kita mapapatawad!" Banta ni Symond sa kaniya.
Mula nang malaman ni Allezandra na buntis siya ay palagi na lang mainitin ang kaniyang ulo. Madalas rin niyang inaaway si Symond, sinisigawan at sinasaktan. Ngunit iniintindi niya ang asawa dahil buntis ito.
Minsan kapag sinisigawan ni Allezandra si Symond ay naririnig ito ni Mrs. Cliff. At naiirita siya rito sapagkat ni minsan ay hindi niya napagtaasan ng boses ang anak.
Bandang hapon ay napang-abot ang dalawang babae sa sala at hindi nakapagtimpi si Mrs. Cliff. Kinausap niya si Allezandra, dahil punong-puno na siya dito.
"Alam mo Allezandra? Hindi ko nagustuhan ang ginagawa mo sa anak ko. Hindi porket buntis ka ay puwede mo ng saktan palagi ang anak ko. Ilang buwan pa lang kayong kasal. Pero unti-unti ng lumabas ang totoo mong kulay," pahayag ni Mrs. Marites.
"So, ano ngayon?! Sisihin mo ang anak mo, dahil pinakasalan niya ako!" bulyaw niyang tugon.
Isang sampal ang pinakawalan ni Mrs. Marites. "Bastos ka! Wala kang galang sa akin! Maayos ang pakikitungo ko sa'yo pero sumosobra ka na. Matuto kang gumalang sa ina ng asawa mo! Baka nakalimutan mong pamamahay ko ito!" turan ni Mrs. Marites, pagkatapos niyang masampal si Allenzadra.
"Huwag po kayong mag-alala, sasabihin ko sa anak ninyo na aalis kami dito!"
"Go ahead, Allezandra— I don't care! Kung kasing bastos mo lang ang makakasama ko dito sa pamamahay ko, mas mabuting lumayas kayo!" Prangkahang sabi nito at tinalikuran na si Allezandra.
Nang dumating si Symond, ay agad nagsumbong ang asawa. Hindi naman kayang harapin ni Symond ang ina dahil mahal rin niya ito. At alam niya kung gaano ka buti ang kaniyang Mama.
"Baby, magbukod na tayo, ayaw kong palagi kaming nag-aaway ng Mama mo!" inis nitong sabi.
"Sige, pero magpaalam muna ako ng maayos, baby..." tugon ni Symond.
"Bahala ka! Tutal ina mo naman 'yan," aniya.
Dahil mahal ni Symond ang kaniyang asawa ay napilitan siyang magpaalam sa ina. Upang maiwasan ang paglaki ng hidwaan sa dalawang babae na pareho niyang mahal. Hindi naman siya pinigilan ng kaniyang Mama, sapagkat alam nito na mahal ni Symond ang asawa.
Bumili si Symond ng sariling bahay sa isang mamahaling subdivision. At ipinangalan niya ito sa kaniyang asawa, gamit ang Allezandrie Nova Cliff.