"Siguraduhin mo lang na wala kang ginawang kalukuhan, Allezandra! Hinding-hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sa iyo!" Dahil sa galit ni Peter ay hinubad niya ang singsing at itinapon sa harapan ng kaniyang asawa. "Pet—" Pipigilan sana niya ang asawa ngunit huli na. At tinalikuran na rin siya ni Peter. Nagdaan ang mga buwan at malapit ng manganganak si Allezandrie. Medyo nakukuha na rin ni Allezandra ang loob ng kaniyang kakambal, dahil sa ipinakita nito ang mabuting pakikitungo at asal niya. kalalabas ni Allezandra mula sa sa bahay ng kaniyang kakambal at wala siyang kamalay-malay na mayroong mga kalalakihan na nag-aabang sa kaniya. Bigla siyang hinila at isinakay sa isang puting van. "Ano'ng kailangan ninyo sa akin?!" Nagtangkang magpumiglas siya ngunit malakas ang dala