Si Evelyn naman ang hindi nakapagsalita sa kaniyang narinig at napatitig ito nang husto sa kaniya. "A-Allezandrie?" At biglang lumakas ang t***k ng kaniyang puso. "I-ikaw ba talaga iyan?" halos hindi makapaniwala niyang tanong, at nangangatal ang kaniyang boses. Hindi maintindihan ni Evelyn ang kaniyang naramdaman na tila naninikip ang kaniyang dibdib at pumatak ang kaniyang mga luha. Habang dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ni Allezandrie. "M-may palatandaan ka ba sa anak mong isa?" nanginginig ang boses ni Allezandrie habang nagtatanong. Gusto niyang makasigurado na siya nga ang kaniyang tunay na ina. "Mayroon," sagot agad ni Ginang Evelyn at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang palad. "Ano po ang palatandaan ninyo?" tanong ulit ni Zandrie. "Mayroon siyang