"Pero hindi ka ba nag-alala sa, bata?" tanong ni Aling Evelyn. "Nag-alala naman, Mama. Kaso makulit kasi siya. Ihahatid ko naman sana ang bata, kaso nakiusap siya na doon na lang daw. Para may time siyang makabawi sa kaniyang anak. Nakikiusap kasi siya sa akin na bigyan ko siya ng isang pagkakataon na maging ina sa anak namin. Kaya pinagbigyan ko siya, Ma. Alang-alang sa bata," mahabang paliwanag nito. "Sige, ako na lang ang pupunta doon para makasigurado tayo na hindi mapahamak ang bata." "Salamat, Ma." "Dali-daling umalis si Evelyn, bitbit ang ginawa niyang snacks para sa apo. Buti na lang ay may sarili silang driver na itinalaga ni Symond. Sa loob ng bahay ni Peter, ay sobra na ang inis ni Zandra sa kaniyang anak. Gusto na niya itong sigawan, ngunit nagpipigil lang siya. Sa pag-a