Sarina Ang damuho! Heto ako sa isang bakanteng table sa coffeeshop na pinagbilhan ko ng kape ng manyakol na si Maximus at pinapanood siya at ang babaeng sakang na Midori ang pangalan habang nag-uusap. Nakikita kong manaka naka ang naging pagpahid nito ng kanyang mata na akala mo may luha na invisible yata dahil hindi ko naman nakikita. Porke’t hindi nakikita ang damuhong manyak ay umaarte siya ng ganyan. Ang siste ay, si Midori, ang babaneg sakang lang naman ang ex girlfriend ni Maximus na mabilis na nakipaghiwalay sa kanya ng malaman ang kanyang kalagayan. Inakala yata nito na hindi na makakakita or makakalakad na muli ang lalaki kaya naman mabilis pa sa alas-kwatrong nanakbo ito at nagpakalayo layo. Charot! Hindi ko alam at wala talaga akong idea. Hindi yata siya masaya na hindi na si