Sarina “Love, I need to go to the office,” sabi ni Maximus. Monday morning at kasalukuyan kaming nagbe-breakfast. Ako ang naghanda dahil wala si Manang Lisa, may importante daw itong kailangang attend-an para sa anak niya. Okay lang naman dahil marunong naman ako sa gawaing bahay. “Okay,” ang maikli kong tugon habang patuloy ako sa pagkain. “Galit ka pa rin ba sa nangyari noong isang linggo?” “Wala akong karapatang magalit.” “Love naman, nagpaliwanag na ako.” “Sinasabi ko lang, dahil binayaran mo ako ay bahala ka na sa gusto mo. Basta pagkatapos ng isang taon ay tapos na ang kontrata natin,” ang tugon ko bago ko isubo ang huling kutsara ng kanin ko. Tapos uminom na ako ng tubig. Matagal akong kumain dahil pagkasubo ko ng sa akin ay susubuan ko naman ang asawa ko. Kung tutuusin ay wa