• CHAPTER 7 •

1715 Words
— LAILA POV — Ngayon ang araw na mag kikita na kami ni marcus hindi ko alam kung ano ang susuoten kong damit dahil wala naman akong magagandang damit gaya ng iba kaya hanggat maaga pa pumunta muna ako sa palengke para bumili sa ukay ukay “ Shane pupunta lang ako sa palengke may bibilhin lang ako dahil may pupuntahan ako mamaya Ikaw na muna bahala dito ha “ saad ko sa aking kapatid “ Sige ate wala naman akong pupuntahan ngayon “ saad niya at nag lakad na ako palabas ng aking bahay Habang nag lalakad ako nakita ko ang pinsan kong si sherra napansin kong papalapit siya sakin “ Be Sanka pupunta “ “ Sa palengke lang mag titingin ng ukay ukay “ saad ko naman “ Sama ako mag titingin den ako kung may new arrival eh “ “ Sige Tara na “ Siya si sherra pinsan ko ang isip niya medjo pambata pa kahit nasa Tamang edad na siya maganda den naman siya may kaya sa buhay ang pamilya niya kaya di siya nakakaranas ng hirap gaya ng akin Habang nag lalakad kami nag kwekwentuhan lang kameng dalawa about sa mga past namin noong mga bata pa kami ngayon lang ulit kami nag kasama neto dahil taong bahay “ Kamusta kana Bakit wala kapang boyfriend “ biglang saad niya sa akin “ “ Ano kaba wala sa isip ko mag ganyan ang dami kong problema ayoko ng dagdagan pa “ “ Ang boring ng life mo tinignan ko araw araw kang Napapagod kakakayod sa buhay wala man lang nag papasaya sayo “ “ Makita ko lang na masaya at walang sakit ang mama at kapatid ko masaya na ako tyaka yang love love nayan walang nag tatagal sa ganyan “ “ Pano naman Ikaw dimo man lang ba naiisep na madami ka pang dapat ineenjoy pero ginugugul mo sarile mo sa problema “ “ Haynako baka di ako maka pag timpi sayo masampal kita, tumigil kana nga okay ako sa buhay ng gusto ko may Plano saken si lord kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon “ saad ko at nag lakad na lang Pag dating namin sa mismong presto ng ukay ukay nag hanap agad ako kung Anong pwedeng tshirt na damit ang pwede ngunit wala akong makita nang makita ko ang button polo na white ay nagustuhan ko ito Kaya kinuha ko ito dahil naisipan Kong pwede siya sa maong short at mag dadala na lang ako ng small bag “ Manang mag kano po Itong polo button “ saad ko at pina kita sa kanya ang suot ko “ 100 ineng walang dumi yan punting pinti yan “ saad naman ni manang “ ahh manang baka pwede 70 na lang po ito lang po kaşı ang dala ko “ “ osigee kunin mona “ “ Maraming salamat manang “ saad ko at binayadan kona ito Ang iniintay kona lang si sherra dahil tumitingin siya sa mga pantalon ilang minuto lang naman ang inintay ko at dumating siya na may dala ng Tatlong pantalon “ Kain muna tayo street food libre kona “ saad niya at tinidor ang cart na may tindang pugo kikiam fishball etc. “ Osige libre mo ha “ saad ko at nag lakad palapit sa cart “ Ano sayo pile kana at kumuha kaden ng palamig “ “ sigesige “ “ Kuya pugo po sampong piraso at tig limang piso na fish ball “ saad ko kaya kuya at tinuro İsa isa “ Sige po “ Masaya kaming kumakain ng mga ganitong klaseng pag kain lalo na kapag libre naka kwentuhan din namin ang nag titinda ng mga street food dahil binata at kasını edad lang namin kaya vibe vibe Pag tapos naming makipag kwentuhan at kumain ay inaya kona si sherra dahil may hinahabol akong oras “ Beb Tara na aalis pa kase ako e 10 am na “ saad ko “ Sige Tara na “ saad niya at nag paalam din siya sa nag titinda “ bye kuya susunod ulit “ saad niya at binigyan niya ng matamis na ngiti Nang maka uwe na ako sa bahay ay nag asikaso agad ako ng kakainin ng mga kapatid ko at ipang liligo ng maliliit kong kapatid dahil gusto ko bago ako umalis maiiwan ko silang maayos at malinis si mama nasa hospital nag iintay sa akin para sa pang bayad at para maka labas na sila sa hospital Tapos na ako mag luto at mag linis nag handa naman ako ng pang ligo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko si marcus tumatawag “ Laila get ready and messange mo ako kapag nasa mall kana “ “ Oo marcus maliligo lang ako tapos imemesange agad kita salamat pala ha “ “ okay okay pag usapan na lang natin lahat mamaya “ “ Sige marcus messange na lang kita “ “ okay bye see you later laila “ Pag tapos niyang tumawag nag asikaso na agad ako naligo ako, pag tapos kong maligo nag ayos lang ako ng sarile ko at suot kona yung button polo na binile ko sa ukay at maong short and mag dadala din ako ng small bag Nang makita kong ayos na ang itsura at suot ko ay bumaba na ako para mag paalam sa aking kapatid na si Shane “ Shane aalis na ako Ikaw na ang bahala dito ha “ “ Oo te mag iingat ka ha saan ka pala pupunta “ tanong ng aking kapatid “ makikipag kita ako sa friend ko, dahil papahiramin niya ako ng pera pang bayad sa hospital para maka labas na sila mama “ saad ko “ Sige ate pasensya kana wala ako matulong mag iingat ka “ “ Bata kapa kaya enjoyin mo ang buhay mo mag paka saya ka lang wag mo ilalagay ang sarile mo sa kalagayan ko dahil mahirap “ saad ko naman “ Oo ate salamat sa lahat ng ginagawa mo samin ha dimo kame iniwan “ saad niya naman at niyakap ako “ Sige na ate baka ma late kapa sa pupunta mo “ “ Sige aalis na ako bye “ saad ko at tuluyan na akong lumabas sa bahay namin papuntang labasan terminal ng jeep Pag dating ko sa labasan pumara na agad ako ng jeep hanggang sa naka sakay na ako “ Manong bayad po “ saad ko at nag bigay ako ng 15 pesos “ saan ito ineng “ saad ni manong driver “ Diyan lang po sa SM mall “ mga 20 mins ang byahe kaya ng maka rating ako sa harapan ng mall ay nag text na ako kay marcus “ Hi marcus andito na ako sa mall sa unahan “ Mga ilang minuto nag reply nadin siya sa akin “ pababa na diyan ang tauhan ko pa Ta sunduin ka “ reply naman niya Hindi pa ako nakaka pag reply kay marcus ng may lumapit sa akin na magandang babae pero parang nakaka takot “ Hi im francine ako yung mag susundo sayo Papunta kay marcus “ saad naman niya Mag sasalita na sana ako ng tumawag si marcus sa aken “ Hello laila she’s francine my friend siya ang susundo sayo “ saad naman ni marcus “ ah e, osige “ saad ko at pinatay ang tawag “ Hello ako nga pala si laila “ saad ko naman “ Tara kain muna tayo at mag shopping palitan natin yang suot mo “ saad niya at nabigla ako hindi ako maka pag salita dahil iniisip ko baka pangit ang suot ko “ Ayaw moba don’t worry maganda ka at bagay sayo ang suot mo, kaso di siya babagay sa restaurant na pupuntahan natin “ saad pa ni francine “ ahh ganon ba Sige “ saad ko at nag lakad papasok ng mall Pag pasok namin ng mall madami kaming nakita na pwedeng kainan kaso Nahihiya ako dahil umalis ako sa bahay na hindi pa nakain “ saan mo gusto kumain, wag kang mahiya ako ang bahala “ saad naman ni laila “ Kahit saan okay lang “ saad ko ng biglang may dalawang naka armadong lalake ang lumapit sa kanya “ ahh fa-francine Sino sila “ saad ko at tinuro ang dalawang lalaki “ wag kang matakot mga tauhan yan ni marcus body guard ganon “ saad naman niya Gusto kopa sana mag tanong kung bakit sumusunod sa amin kaso baka kung ano lang ang isipin niya sakin “ Dito tayo kumain “ saad ni francine at tinuro ang bonchon “ sure ka medjo mahal kasi diyan “ saad ko naman “ No ako ang mag babayad kaya ayos lang “ saad niya “ eh pano tong dalawa na naka sunod sa atin “ saad ko naman dahil baka gusto den kumain “ Wag mo sila isipen diyan lang sila sa labas at nag babantay “ saad naman si francine Masyado akong naguguluhan dahil bakit kailangan pa kaming bantayan di na lang ako nag tatanong, nang naka order na si francine ay umupo naman kame sa table namin “ Ahmm saan nga pala ulit kame mag kikita ni marcus, sorry nakalimutan ko kase “ saad ko “ Sa restaurant ng batangas malayo ang byahe kaya kailangan muna nating kumain “ “ Baka nag iintay na siya don “ saad ko “ don’t worry siya ang nag sabi na mag shopping at kumain muna tayo “ saad naman niya “ ahh ganon ba “ saad ko at tumahimik na lang mga ilang minuto dumating ang order namin “ wait picture muna tayo okay lang ba “ saad niya at naka thumb ups pa kamay “ Oo naman okay lang “ saad ko at nag picture na kami Habang kumakain kami nag kwentuhan lang kami about sa buhay ko kwinento ko sa kanya lahat ng problema at pinag daanan ko Diko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya siguro dahil babae sa babae kaya ganon, na miss ko tuloy yung kaibigan ko na si lexi hys. Author: Hello readers sana nagugustuhan niyo ang bawas chapter ng story ni laila & marcus wag kayong mag alala may second chapter agad to ngayong araw dahil baka laseng na ako mamaya at di ako maka pag update sainyo bukas hehe, please follow me and like this book para updated kayo every chapter thankyou :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD