Chapter 3

1347 Words
Thirteen years ago… “HOW… do I start to live again after this?”      Nagsikip ang dibdib ni Lea nang marinig ang basag na boses na iyon ng isa sa pinakamatalik niyang kaibigan na si Jake. Dahan-dahang umangat ang kanyang mga kamay pahaplos sa gwapong mukha nito. Marahan niyang tinuyo ang mga luha nito.      Naghahalo ang awa at pagmamahal niya para sa binata. Noon na lang niya ito muling nakitang nagkaganoon. Ang una ay noong halos sabay na sumakabilang-buhay ang mga magulang noong disisyete anyos ito. Isang sikat na broadcaster ang ama ni Jake na namatay noong nasa kalagitnaan ng pagko-cover ng balita tungkol sa mga kaguluhan sa bahaging Mindanao. Natamaan ito ng ligaw na bala. Nang malaman iyon ng ina ng binata ay inatake ito sa puso na siyang ikinamatay rin nito.      Simula noon ay si Jake at ang bunsong kapatid nito na si Leandra na lang ang naiwang magkasama sa buhay. Nakabangon ang mga ito sa nangyaring trahedya dahil na rin sa pagtulong ng tito Raphael ng mga ito, ang lalaki ang panganay na kapatid ng ama ng mga ito na nag-aasikaso rin sa family business ng mga Calderon.      Kaedad lang ni Lea si Leandra, dalawang taon ang tanda sa kanila ni Jake. Halos sabay silang ipinanganak ni Leandra sa iisang ospital at para bang nagpower-trip ang kanilang mga ama na halos iisa rin ang ibinigay na mga pangalan sa kanila. Palibhasa ay wala daw paglagyan ng tuwa ang mga ito nang malaman na natupad na ang kagustuhang magkaroon ng anak na babae.      Ang magkapatid ang nagsilbing pinakamatatalik niyang kaibigan. Hindi pa man ipinapanganak si Lea ay family driver na ang kanyang ama ng mga Calderon, ang pamilya ni Jake. Ang ama niya ang nagkataon ring matalik na kaibigan ni Ninong Alejandro, ang ama ni Jake, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mga bata pa lang sila nina Jake at Leandra ay malapit na sila sa isa’t isa.      Si Jake ang nagsilbing protector nila ni Leandra na kaklase niya na mula pa kindergarten. Sa tuwing may mga nambu-bully sa kanila sa paaralan ay to the rescue parati ang binata para sa kanila.      Pinalad si Lea na makapasok sa private school na pinapasukan ng magkapatid dahil na rin sa pamimilit ng Ninong Alejandro niya. Ito ang sumagot ng tuition fee niya sa kabila ng pagtanggi ng kanyang ama sa umpisa. Mahabang paliwanagan pa ang nangyari bago napapayag ang huli dahil sadyang ma-pride ang kanyang ama. Naglatag pa muna ito ng kondisyon na nagsasabing sa oras na makapagtrabaho na siya ay babayaran niya lahat sa Ninong Alejandro niya ang mga ginastos nito para sa pag-aaral niya. Nang namatay ang huli ay ang butihing si tito Raphael ang nagpatuloy sa pagpapaaral sa kanya.      Mayaman ang mga Calderon. May travel agency na pag-aari ang pamilya ng ama ni Jake pero pinili pa rin nitong umiba ng linya at maging broadcaster dahil iyon raw ang hilig nito. Ang ina naman ng mga ito ay isang matagumpay na chef.      Matulungin ang pamilya Calderon. Parating bukas ang tahanan ng mga ito para sa lahat gaya ng ginawa ng mga ito sa kanyang pamilya. Kaya kahit si Lea ay nasaktan sa pagkamatay ng mag-asawa. At ngayon… panibagong miyembro na naman sa pamilya ng mga ito ang nalagas.      Si Leandra.      Magkaiba sila ng kinuhang course ni Leandra sa kolehiyo. Architecture ang sa kanya habang Hotel and Restaurant Management naman ang kinuha nito. Hindi na sila parating magkasama dahil nag-iba na ang schedule nila pero hindi iyon nakabawas sa tatag ng samahan nila. Isang araw ay nagpaalam si Leandra na mag a-out of town kasama ng ilang mga kaklase. Niyaya siya nitong sumama pero hindi niya napagbigyan dahil naging busy siya sa paggawa ng thesis lalo pa at graduating na sila. Hindi rin ito nasamahan ni Jake dahil abala rin ang binata sa pagtatrabaho.      Gaya ng ama ni Jake ay hindi rin nagtrabaho ang binata sa travel agency ng mga ito. Noon pa man ay pangarap na nito ang maging hotelier kaya naging subsob ito sa pagtatrabaho para makuha ang gusto. Maayos ang lahat hanggang sa gulatin sila ng balita na nalunod umano si Leandra nang mag-out of town. Nagkakasiyahan noon ang mga kaklase nito at halos lahat sa mga ito ay may tama na ng alak, kabilang roon si Leandra na nagpumilit pa rin daw mag-swimming isang hatinggabi. Huli na nang masagip ito ng mga kasamahan.      “Lahat na lang ng mga mahal ko sa buhay, nawawala sa akin. Lea, may sumpa ba ako? Masama ba akong tao?” Jake’s voice broke. “Bakit ganito? Bakit parang ang damot naman ng Diyos sa ‘kin? Si Leandra na lang ang mero’n ako. Bakit pati siya, kinuha? Bakit lahat na lang… kinukuha Niya?”      Doble ang balik kay Lea ng sakit. Nag-iisang anak siya kaya si Leandra na ang simula’t sapul ay itinuturing niyang kapatid. Samantalang espesyal na ang nararamdaman niya kay Jake noon pa man. Dahil highschool pa lang siya ay lihim niya nang minamahal ang binata.      “Jake, hindi totoo ‘yan.” Agad na sinabi ni Lea sa binata kahit hinang-hina na rin ang pakiramdam niya. “We both love Leandra but I guess, God loved her more that’s why He had to take her away. She was probably too beautiful for the Earth that she had to be in a place that would match her beauty.” Pinatatag ni Lea ang boses kasabay ng marahang pagngiti. “Hindi Niya kinuha ang lahat sa ’yo. Nandyan pa ang tito Raphael mo, ang ibang mga kaibigan mo. At… nandito rin ako. Hindi kita iiwan.” Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay niyakap niya ito.      Gumanti nang mas mahigpit na yakap ang binata. “Hindi man lang ako nakabawi sa kapatid ko, Lea. I was so busy with work. Hindi ko natupad ang pangako ko sa puntod ng mga magulang namin na iingatan ko siya. Wala ako sa tabi niya nang kinailangan niya ako.” Gumaralgal ang boses ni Jake. “And I will carry this guilt with me for as long as I live. Wala akong kwentang kapatid. I’m a mess. Dapay ay sumama ako sa kanya noon. I should have been by her side that night. Dapat ay nasagip ko siya-”      “No,” Bahagyang lumayo si Lea kay Jake. Pinakatitigan niya ang mukha nito. “Listen to me. Hindi ka dapat mabuhay na ganyan. Leandra wouldn’t like that.” Napahugot siya ng malalim na hininga nang makita ang pagpatak ng luha ng binata. “God… Jake. Tell me what I can do to help you feel better.”      “Be Leandra.” Halos pabulong na sagot ni Jake matapos ang ilang minuto. “Be my sister.”      Parang may kung anong sumabog sa pandinig ni Lea. “W-what did you… s-say?”      “Just for the time being. Until I can get over this guilt.” Nakikiusap na dagdag pa ni Jake. “Sa pamamagitan mo ako babawi, Lea. Please. This is the only way I know I can redeem myself, to make myself believe that I’m really not alone.”      Isa iyong kahilingan ng lalaking nagluluksa, ng lalaking nawalan nang husto. Sino siya para hindi iyon pagbigyan? Ilang sandaling natahimik si Lea bago siya dahan-dahang tumango, isang bagay na alam niyang malaki ang posibilidad na pagsisihan niya balang araw.      Pero bahala na. Nang mga oras na iyon ay nakahanda siyang gawin ang lahat humupa lang kahit paano ang nararamdaman ng lalaking pinakamamahal.      Wala nang makikita kahit na kaunting bakas ng dating punong-puno ng buhay na Jake Calderon. He looked so broken. But amid the shattered pieces of his self, he still can make her heart flutter when he finally smiled. Iyon ang kauna-unahang pagngiti ng binata matapos ang mahigit tatlong buwan mula nang ilibing si Leandra. She knew that instant that she made the right choice.      Pinisil nito ang isang palad niya. “Thank you, Leandra.”      Parang tinusok ng libong aspile ang puso ni Lea sa narinig. Simula na nang pagpapanggap. Sa nangyari ay mas lumabo ang pag-asa niya sa binata. Pero sa kabila niyon ay gumanti siya ng pisil sa palad nito. “You know I’d do anything for you, Jake. You’re welcome.”      “’Wag mo akong iiwan, Leandra.”      “I promise.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD