“KEEP your legs close together. Bend your knees a bit. Balance your shoulders with your feet movement. Yes, like that. Now, move forward.” Natatawa nang sinabi ni Jake nang sa halip na gumalaw ay nanatiling nakatayo lang si Lea. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. “Come on. Don’t be afraid to fall. Everybody falls. This is your first try. And to fall is inevitable.” Nasa loob sila ng rink nang gabing iyon sa Somerset House sa London para doon i-celebrate ang pasko at bagong taon kasama ang mga magulang ni Lea. Pero hindi na sumama pa ang mga ito sa paglabas nila ng dalaga para maagang makapagpahinga na sinamantala niya kaya niyaya niya na ito sa lugar na iyon para tuparin ang isa sa mga nakasulat sa wish list nito. Aksidenteng nasilip ni Jake ang wi