Chapter 11

2184 Words

Ten years later… “DO you want me to give you the best advice of all? Then I would. Lea, stop cheating.”      Gulat na napalingon si Lea sa katabing si Timothy matapos marinig ang mga sinabi nito. Sa pagdaan ng panahon ay ang binata na ang nagsilbing pinakamatalik na kaibigan niya. Hindi niya inakalang ang kliyente niya na iniwan niya pa noong unang date nila ay isa palang obstetrician at siya pa palang magpapaanak sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging ninong ni Janna, ang kanyang munting prinsesa.      Nasa kotse na sila ni Timothy nang mga sandaling iyon at nasa tapat na ng bahay niya. Pero hindi niya makuhang bumaba. Hindi dahil sa malakas ang buhos ng ulan sa labas. Kundi dahil sa simpleng katotohanang hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang anak matapos ng mga nalaman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD