URONG-SULONG si Dannah habang nakasunod sa kaibigang si Sandy papasok sa malawak na bakuran ng isang malaking mansiyon. Ito na ang gabi na pinakahihintay niya—ang gabi ng pagkakaroon ng katuparan ng hiningi niyang pabor sa kaibigan.
“Hey, Dannah,” tawag ni Sandy nang bigla na lang siyang huminto sa paglalakad.
“S-Sand… ano… k-kasi—”
“Don't tell me, uurong ka na?” tila matatawang tanong nito. “Hindi naman pala malakas ang loob mo, friend, eh,” pambubuska pa nito.
She blazingly glared at her friend. “Huwag ka nang mang-asar, okay?”
“Don’t worry, Danz, you still have the chance to back out and not pursue your plans kasi wala namang kaalam-alam si Kuya sa plano nating ito, eh. I just told him na may isasama akong sexy at magandang kaibigan, pumayag naman siya agad. You know, the wants and desire of a womanizer,” humahagikhik nitong wika.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. She plastered a smile on her pretty face just to cover up the unexplainable tension that’s starting to grow in her entire body.
“So, let’s go?” nakangiting aya ng kaibigan.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Bahala na, magpapatianod na lamang siya sa mga maaaring maganap.
_____________
NAGPAALAM si Dannah sa kaibigang si Sandy na pupunta muna siya ng comfort room habang matiyaga nilang hinihintay ang paglabas ng main celebrant ng birthday na dinaluhan.
“Do I need to fetch you?” tanong ng kaibigan.
Umiling siya. “Huwag na, ituro mo na lang sa akin kung saang banda.”
Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang kinaroroonan ng comfort room ay dali-dali na siyang naglakad patungo roon. Paliko na sana siya sa malawak na pasilyo ng magandang mansiyon nang bigla siyang bumangga sa isang matigas na bagay. Sa lakas ng impact ay muntik na siyang mabuwal at mapasadsad sa marmol na sahig. `Buti na lang naging maagap ang lalaki para makabig siya sa baywang. She automatically grasped the collar of his tuxedo.
“Are you alright, Miss?” the stranger huskily asked.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin just to be shocked upon knowing the owner of that voice was. Ito ang lalaking may kasalanan sa pagkatupi ng likurang bahagi ng kanyang lumang sasakyan. Ito ang lalaking may kasalanan kung bakit siya nagkandaubo-ubo sa gitna ng kalsada. Ito ang lalaking may kasalanan kung bakit siya na-late sa kanyang trabaho. Ito ang lalaking walang-modo, antipatiko, at puno ng hangin ang katawan!
Bigla niya itong naitulak nang wala sa oras. Kapag nagkikita nga naman sila ng lalaking ito ay puro na lang kamalasan ang naaani niya.
“Look who’s here! Furious lady?” anito, kasabay ng isang mabilis na paghagod sa kabuuan niya. At hindi siya maaaring magkamali, may nabasa siyang kislap ng paghanga sa mga mata nito. Ngunit imbes na matuwa ay mas lalo lamang siyang napaismid sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa kanya. Ang mga ganoong uri ng lalaki kasi ang itinuturing niyang katulad ng kanyang ama.
Akmang tatalikuran na lang sana niya ito subalit pabigla naman nitong hinawakan ang braso niya. “Ano ba?!” inis niyang piksi. “Will you please get your nasty hand off me?!”
“You’re really that angry with me, huh?” anitong kunwari’y nasaktan.
Umarko ang isang kilay niya sa pagka-OA nito.
“I’ve been waiting for your call so I can pay the damage done to your car, but you never did,” anito.
Totoo ang sinabi nitong hindi siya tumawag sapagkat itinapon niya ang calling card na ibinigay nito. Simple lang naman ang rason niya—she doesn’t want to meet again this guy na puno ng kahambugan ang katawan. “Kaya kong ipaayos ang damage. Tama nang natalakan kita, masaya na ako roon,” she uttered and cackled sarcastically. Yet, to her disgust ay napahalakhak lamang ito sa pabalang na sinabi niya. “What's funny? Are you insane, faggot man?” inis niyang saad. Hindi niya mawari kung bakit ganito na lang ang dulot sa kanya ng lalaking ito. He certainly had the power to bring out the worst in her. She doesn’t know how to control her composure when he’s around.
“Why so tigerish of me, lady? Talaga bang ganyan ka lang sa lahat ng lalaki? Or is it just me who could drive your temper scribble?” wika nitong hinawakan siya sa magkabilang braso. “Or maybe, you’re just playing hard to get, using defense mechanism just to cover up how you really feel when I’m around. Why don’t you just tell me you’re certainly attracted with me? Hindi ako mahirap na kausap, babae…” pabulong na sabi nito habang matiim ang pagkakatitig sa kanya.
She’s caught off guard. Hindi siya makagalaw habang nakikipagtitigan dito. Napakalapit nila sa isa’t isa, and she could already feel the warmth of his manly breathe na marahang pumapaypay sa kanyang mukha.
She felt the back of his palm gently caressing her left cheek. Tila may libo-libong boltaheng nanalaytay mula sa palad nito patungo sa buo niyang pagkatao. Such a mysterious and tremendous feeling she couldn’t fathom kaya naman pabigla niya itong naitulak.
“P-p*****t! Hambog!” she wrathfully yelled. “Grabe naman ang hangin mo sa katawan! Parang bagyo na sinabayan pa ng tsunami! For your information, Mister Stranger, hindi lahat ng babae ay magkakagusto sa `yo at mahuhumaling kahit kamukha at kasing hunk mo pa si Piolo Pascual! Napakahambog mo tala—”
“Hey! Hey! What’s the commotion in here?” nagtatakang tanong ni Sandy na biglang napasugod sa kinaroroonan nila.
“I don’t know who that egocentric faggot is!” inis niyang wika, sabay turo sa estranghero. “Akala mo kung sino! Napakahambog! Masyadong bilib sa sarili! Nabubuwisit ang araw ko sa tuwing nagtatagpo kami niyan!”
Nagkatinginan naman ang dalawa, saka sabay na napatitig sa kanya. Tila matatawa ang kaibigan sa reaksyon niya, while the stranger amusingly stared at her.
“Dannah, dear, siya ang birthday celebrant,” Sandy said.
“What?!” gulat niyang bulalas, kasabay ng pamumula ng mukha. Namumula siya hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa inis na ito pala ang lalaking isinuhestiyon ni Sandy na makaka-one-night stand niya. “You mean—that—that one?!” she hardly asked Sandy while pointing her finger towards the man.
Nangingiting tumango ang kaibigan niya.
“For goodness! I won’t!” iiling-iling niyang turan.
“Hey! Let me butt in,” naguguluhang wika ng lalaki. “What were you conversing to?”
“None of your damn business!” asik niya, saka padabog na iniwan ang dalawang napapailing sa kasalukuyan niyang iginagawi.
_____________
“KAYA pala inis ka kay Kuya Gunther,” natatawang sabi ni Sandy matapos niyang ikuwento rito ang una nilang engkuwentro ng binata.
“Hindi lang ako inis doon, kundi inis na inis! To the highest level, Sand,” pagtatama ni Dannah. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya habang nakaupo sila sa isang madilim na sulok at pinagmamasdan ang nagkakasayahang mga bisita ng binata.
Upon seeing those visitors, naniniwala na talaga siyang womanizer nga ang Gunther de Guzman na iyon sapagkat karamihan ng naroon ay mga kababaihan. Nasilayan rin niya kaninang nakikipagharutan ito sa isang sopistikadang babaeng naroon kaya naman mas lalo lamang siyang nainis dito.
Gunther was the epitome of a man na papangarapin ng halos lahat ng lahi ni Eba, but he wasn’t a man na dapat mahalin sapagkat tingin pa lang niya rito ay ito ang klase ng lalaking mang-iiwan ng babae.
She deeply sighed with that thought.
“What’s that sigh for?” Sandy asked. Napansin pala nito ang malalim niyang pagbuntong-hininga.
“Nothing,” tipid niyang tugon na sinabayan ng dahan-dahang pagsimsim ng iniinom na sherry sa kopita.
“Talaga bang ayaw mo nang ituloy ang plano mo?” tanong ni Sandy na ang tinutukoy ay ang ipinakiusap niyang pabor dito.
“I’d still pursue pero maghahanap na lang ako ng iba. `Yong hindi hambog,” tugon niya.
Marahang natawa ang kaibigan niya. “Guwapo naman si Kuya Gunther, ayaw mo n’on? Tiyak na mamanahin iyon ng anak mo.”
“Ayokong pati kahambugan ay mamana ng anak ko.” She grimaced.
“`Know what, Dannah? Let me alter your mind. `Di ba, gusto mo ng no strings attached, no commitment, no love involved, at `yong tipong maghihiwalay kayo nang walang pakialaman after that night? Si Kuya Gunther na ang hinahanap mo. As I’ve said he doesn’t believe in love and commitment kaya nasisiguro kong kung anuman ang pagsasaluhan ninyo ay wala lang `yon sa kanya. And besides, babalik na rin siya sa States kaya hindi na niya malalaman pa kung magbunga man ang one-night stand ninyo. Hindi iyon maghahabol sa bata. You can have your child solely,” mahabang paliwanag ng kaibigan na biglang ikinatahimik niya.
She deeply fathom what Sandy said. Napag-isip-isip niyang tama nga ito subalit hindi niya mawari kung bakit tila may gumuhit na mumunting pagtutol sa puso niya sa isiping ganoon nga ang binata—na wala itong ipinagkaiba sa mga lalaking kinatatakutan niyang mahalin at ibigin.
“H-huwag na. My decision is final and irrevocable. Maghahanap na lang ako ng iba,” bagkus ay iyon ang namutawi sa mga labi niya. Hindi rin kasi niya alam kung paano sisimulan ang lahat. She doesn’t know what would be her first move sapagkat halata namang nagkakainisan lang sila ng binata. Tiyak na magtataka ito kung bigla na lamang siyang babait at makikipag-flirt dito gaya nang nauna niyang plano nang hindi pa niya alam kung sino ang isinuhestiyon ng kaibigan. Mas mainam sana kung hindi na lang sila nito nagtagpo noon para mas malakas ang loob niya ngayon.
Lingid sa kaalaman nila’y narinig lahat ni Gunther ang pinag-usapan nila at may nabuong plano sa isip nito.
____________
MARAHANG napapikit si Dannah habang ninanamnam ang samyo ng malamig na hanging-panggabi. Kasalukuyan siyang humiwalay kay Sandy at nagtungo sa tila paraisong hardin ng mansiyon. Gusto niyang mapag-isa at takasan ang ingay ng mga bisitang nagkakasayahan sa malawak na bakuran.
Ilang sandali siya sa ganoong ayos. Tila na siya hinahatak sa kung saang kalaliman at para na rin siyang inuugoy ng preskong hanging nakakapagpaantok sa kanyang diwa kaya’t hindi niya namalayan ang paglapit ng isang tao sa harapan niya. Tila ito nahihipnotismong nakatitig sa maganda niyang mukha na waring pinag-aaralan ang bawat detalyeng nakaguhit doon.
Dahan-dahan siyang napadilat nang maramdaman ang tila amoy alak na nalalanghap niya sa kanyang harapan. Gayon na lamang ang gulat niya nang mapagtantong napakalapit ng mukha niya sa mukha ni Gunther kaya’t awtomatiko niyang naiatras ang sariling mukha sa binata.
“A-and what the s**t do you think you’re doing?!” asik niya na akmang tatayo mula sa kinauupuang duyan.
“Ops!” pigil ng binata na hinawakan ang magkabila niyang balikat para muli siyang iupo.
“A-ano ba?!” piksi niya nang maramdaman ang mainit na dantay ng mga palad nito sa nasisilayan niyang balikat. She couldn’t discern how she felt that moment. Tila ba may mga dagang nagrarambulan sa puso niya.
“Kahit pala palagi tayong nagkakaasaran, we still have the same thing in common,” he said seriously.
Napatunghay siya sa binata. Nasa mga mata niya ang katanungan sa sinabi nito.
“Pareho tayong hindi naniniwala sa commitment. Hindi ko nga lang alam kung ano ang rason mo,” anitong umupo sa tabi niya, dahilan para magkabanggaan ang mga braso nila.
Bahagya siyang umusod palayo rito, kasabay ng biglang pamumula ng kanyang mukha. Obviously, narinig nito ang pinag-usapan nila ni Sandy.
“I’m a man who doesn’t believe in love,” he continued. “I don’t know why but since then, I certainly don’t believe about what others say ‘magic.’ Marahil ay dahil sa mababaw na rasong tubong-States ako,” anitong marahang natawa. “I don’t believe in commitments, in attachments and marriage. I’m a kind of person who only wants s*x without love,” he frankly uttered na mas lalong nagpapatda sa kanya.
She’s not that naive para hindi makuha ang ibig nitong ipahiwatig. Ito na mismo ang kusang lumalapit at nag-aalay ng sarili nito sa kanya. She couldn’t utter any word for she doesn’t know what to say. Bagkus ay nakatitig lamang siya sa binata.
“It would be my pleasure to offer myself. Anyway, s*x is all I want. At makakaasa kang matapos ang gabing ito ay maghihiwalay tayo nang maayos, nang walang pakialaman sa kanya-kanya nating buhay,” Gunther seriously laid down his proposal while intently glaring at her. “A month from now, I’ll be going back to the U.S. and you can hold my promise that you will solely have the custody of… of your child kung `yan ang gusto mo.” Tumayo ito, saka naglakad palayo sa kanya. Saglit itong huminto sa bungad ng munting hardin na iyon. “I’m the only one living in this villa. You can approach me if you’re willing to bite my proposal,” panghuling saad nito at nagtuloy-tuloy nang bumalik sa mga nagkukumpulang tao sa pagtitipong iyon.
___________
SUNOD-SUNOD ang ginawang paglagok ni Dannah ng brandy. Kailangan niyang gawin ito para tumibay ang apog niya at kumapal ang kanyang mukha para sa nakatakda nilang gawin ni Gunther mamaya.
Halos magkandaubo-ubo na siya sa pait ng alak. Hindi siya sanay sa pag-inom ng nakalalasing subalit patuloy pa rin siya sa paglagok niyon. Habang ang binata naman ay tahimik lang siyang pinanonood na tila napakalalim ng iniisip nito. Hindi nga lamang niya alam kung ano.
“Do you really need to get drunk first para sa pagsasaluhan natin mamaya?” kapagkuwa’y tanong nito habang nakahubad-baro itong nakahalukipkip na pinagmamasdan siyang unti-unti nang tinatamaan ng espirito ng alak.
“O-of course. K-kailangan kong gawin ito para hindi ko mamalayang ikaw ang kaniig ko. Ikaw na hambog at nakakainis!” aniyang namumungay na ang mga mata kaya’t hindi niya napansing napatiim-bagang ang binata sa sinabi niyang iyon. “Y-you know what? Pare-pareho lang kayong mga lalaki, eh. Kung hindi sadista, manloloko! Hindi makontento sa isa kaya nakakasira ng pamilya!” tonong-lasing niyang wika na sinabayan ng hagikhik. Sunod-sunod na naman siyang napalagok. “T-this is the first time na nalasing ako,” sumbong niya na binuntunan ng napakalakas na tawa subalit bigla rin siyang napaiyak.
“D-Dannah…” sambit ng binata na biglang napaunat ng upo nang makitang umiiyak siya.
“Y-you know why I’m doing this? Y-you know why I’m very aloof to freakin’ guys like you? `Cause I’m afraid to fall in love. I’m afraid to fall fast. Natatakot akong matulad sa mga kakilala ko. Kung hindi binubugbog ng mga kalahi mo, iniiwan! Natatakot akong matulad sa nanay ko… A-alam mo bang iniwan siya ng magaling kong ama?” aniyang kuwento na naluluha-natatawa. Tila siya isang timang nang mga sandaling iyon. “B-bata pa lang ako noon nang masaksihan ko kung paano lumuhod at magmakaawa si Nanay para lang huwag kaming iwan. Pero bingi si Tatay, iniwan pa rin kami at sumama sa bago at presko niyang babae. Sabagay, mabango ang hitad na iyon, eh!” puno ng galit niyang wika. “From that time on, nagalit na ako sa mga kalahi mo. Pare-pareho lang kayo, eh!” she bitterly said. “I-itinaguyod akong mag-isa ng nanay, nagpakahirap siya para lang makapagtapos ako. She is the best mother and woman I’ve known, kaya hindi ko maintindihan kung bakit iniwan siya ni Tatay. Marahil nga, it’s the nature of men like you! You all are womanizer!” lumuluha niyang sumbat na dinuro pa ang binata.
“Dannah…” sambit nito na bigla na lamang siyang niyakap nang mahigpit. She could feel his tremor while he was hugging her so tight. Kahit lasing siya’y dama niyang hinahalikan siya nito sa buhok.
“M-my mom is yearning to have a grandchild of her own… I love my nanay so much para pagbigyan siya. Nandito ako ngayon, she doesn’t know my plan na magpabuntis lang sa isang estrangherong katulad mo. I don’t like commitments, yet I’m willing to offer myself to a stranger like you… take me now… I’m yours tonight before we say… goodbye…”