“Thank God! You're awake!” Bungad ng magandang babae Kay christine nang bumalik Ang ulirat nito. Medyo nakakaramdam pa Siya ng pagkahilo at kirot sa Hindi malamang parte ng kanyang katawan. But she feels better now, than earlier. Marahan niyang hinaplos Ang kanyang tiyan and she feel relief nang makapa Ang umbok nito.
Thank God!
Hindi Niya masyadong maaninag Ang Mukha ng nagsalita dahil sa Hindi Niya suot Ang kanyang salamin. Ngunit base sa natatandaan Niya na boses nito ay ito rin Ang babaeng tumulong sa kanya. Dahil sa pagkakapareho ng tinig nila.
“How do you feel now?” May himig pag alalang tanong nito.
“B-better.” Maikling tugon ng dalaga.
“Good! It's been 24 hours since I saw you and passed out in the middle of the streets.” Turan nito na ikinagulat ng dalaga.
24 hours? Hindi makapaniwala Ang dalaga na Ganun katagal siyang nakatulog. But despite of it ay masaya SI Christine na safe Sila ng mga anak niya.
Hindi pa rin pala nauubos Ang mga taong may mabuting puso! Sa isip ng dalaga.
Ngunit Ang kasiyahang nararamdaman niya ay Bigla ring napalitan ng maalala Ang nangyari Bago Siya nawalan ng Malay. Hindi nanaman maiwasan ni Christine na tumulongAng mga luha Niya. Na ikinaalala Naman ng kaharap.
“What's wrong? May masakit ba sayo? Are you okay?” Sunod sunod na tanong nito.
Agad namang pinunasan ng dalaga Ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Am, okay lang ako doc! May naalala lang Po ako.” Sagot ni Christine habang pilit na kinakalma Ang sarili.
From now on you have to be strong Christine! Hindi mo na dapat iyakan pa Ang lalaking Yun! It's done, kasal na Siya! Unless gusto mong maging kabit at tawaging anak sa labas Ang mga anak mo! Kastigo nito sa sarili.
“I know there's something bothering you, you can share it with me. You know sometime we need someone to talk to para gumaan Ang pakiramdam natin.” nakangiting Saad nito ngunit dama Naman ng dalaga Ang sinseridad sa Boses nito. Hindi Niya parin masyadong maaninag Ang Mukha nito ngunit sa nakikita Niya ay maganda ito at mukhang mabait. Umakto siyang may hinahanap na nahulaan Naman ng kausap.
“Here!” Sabay abot ng salamin ni Christine na mula sa bulsa ng doctor.
“Good that it didn't damage.” dugtong pa nito. Agad Naman itong kinuha ng dalaga at isinuot. Ngayon ay mas nakikita na Niya ng malinaw Ang Mukha nito. Hindi nga Siya nagkamali, sobrang ganda nga ng babae at mukhang galing pa sa marangyang pamilya. How it happen na Ang mayamang katulad nito ay may pusong tumulong sa katulad niyang mahirap.
“A-ang ganda nyo Po.” Tanging nasabi nalang ni Christine na ikinatawa ng kaharap.
“Really, do you think I'm more beautiful whythan Jean Garcia?” Nakangiti tanong nito na ikinagulat ni Christine. Nakaramdam ng kaba Ang dalaga sa isiping magkakilala Ang dalawa? Or worse at baka kamag anak pa pala ito ng asawa ni Francis.
“S-sino pong J-Jean?” Pagmamaangmaangan ng dalaga na ikinakunot noon nito. Bakas Ang pagtataka sa Mukha ng kausap.
“I thought you're a fan of Jean, because you're there at her wedding. Seriously! You don't know her? Now I think she's not really famous at all!” Nakangiti Saad ng babae, habang Hindi pa rin nawala Ang kunot sa noo nito.
“Napadaan lang Po ako sa simbahan, then Lumabas din ako ng makitang may ikinakasal pala.” Pagsisinungaling ng dalaga.
“Kayo Po? Fan din Po kayo? Pumunta rin ba kayo sa kasal Niya?” Patuloy Niya, pilit niyang inilihis Ang usapan sa pamamagitanitan ng pagtatanong Dito.
Sunod sunod namang umiling and magandang doktor.
“Actually no! I'm not into fashion, and I don't like her either, it happens that her husband is our family friend. So, I just dropped by.” mahabang sagot nito. Ikinabahala Naman ni Christine Ang kaalaman na kilala pala nito SI Francis. What a small world talaga diba!
“Am, do you have family that we can call to let them know about your situation?” tanong nito na ikinailing Naman ng dalaga.
Dahil Wala ni Isa sa pamilya Niya Ang nakakaalam ng kalagayan Niya. Halos pitong buwan niyang itinago Ang sitwasyon Niya sa mga ito. Dahil ayaw niyang bigyan ng alalahanin pa Ang kanyang ina. Maging Ang kuya Christian Niya ay ayaw Niya ring abalahin pa, dahil tulad Niya ay mag isa rin nitong itinataguyod Ang sariling pag aaral. Ngayong taon ay matatapos na ito at magiging engineer. Alam niyang masasaktan Niya ng husto ang mga ito. Maging Ang tatlong Kapatid niya na mas Bata sa kanya ay umaasa rin sa kanila. Ngayon ay wala na siyang mukhang maihaharap sa kanyang pamilya.
She’s a big disappointment!
Wala na Silang ama at tanging dalawa nalamang Sila ng kanyang kuya Ang inaasahan ng kanyang ina. Ngunit paano na ngayon kung ganito Ang kalagayan Niya?
Sorry ma… usal nito sa kanyang isip.
“H-hey! Sorry, did I say something wrong?” Nag aalalang tanong ng doktora nang mapansin Ang luha sa kanyang mata. Simula ng mabuntis Siya ay naging very emotional na Ang dalaga, kahit kaunting bagay ay Hindi Niya mapigilang umiyak.
Umiling Siya bilang tugon.
“Am, d-doc Ang totoo Hindi pa Kasi nila alam, balak ko sanang sabihin sa kanila kapag nahanap ko na ang tatay ng mga baby ko. K-kaya lang,” sagot ng dalaga.
“Mahanap? What you mean? Anong kaya lang?” Sunod sunod na tanong nito. Natigilan si Christine, iniisip Niya kung sasabihin ba Niya Ang totoo sa kaharap.
“K-kaya lang, may asawa na pala Siya.” Mahinang tugon nito ngunit nakaabot pa rin sa pandinig ng doktora.
“What? My God!” Bulalas nito.
“How come na hindi mo nalaman?” Naguguluhan nitong tanong tanong.
“Medyo mahabang kwento Po, Ang Tanga ko lang kasi naniwala ako na totoo Siya, na mahal Niya ako. Pero katulad lang din pala Siya ng ibang lalaki. Isang araw Bigla nalang siyang nawala, may nakapag sabi sa akin na Dito nga daw Siya sa manila pumunta. Kaya sinundan ko Siya, nagtravel ako mula Iloilo kahit alam Kong delikado para sa amin ng mga anak ko.” Dugtong pa ni Christine. She still choose not to tell her na si Francis Ang ama ng mga bata. Natatakot Siya na baka mas maging komplikado Ang lahat.
“What a f*****g jerk! Who's that man and I will make sure he will suffer.” Galit na Saad nito. Ngunit sunod sunod na umiling Ang dalaga at pilit ngumiti sa kaharap.
“Sa tingin ko ay sapat ng ganti sa kanya na Hindi Niya Malaman Ang tungkol sa mga anak Namin. Bahala na Po sa kanya Ang diyos.” Tugon ni Christine.
“God! It's not easy to raise triplets honey! Lalo na at mag isa ka lang, then hindi pa alam ng pamilya mo!” Saad nito na ikinatahimik ni Christine. Tama nga Ang doktora Hindi madali Lalo at Hindi Niya alam kung saan Siya magsisimula.
“By the way if you need help I'm here for you. But you also have to tell your family about this, I'm sure they will understand.”
“Christine, right? Sorry, pinakialaman ko na Ang Dala mong bag because we need to write your personal records, by the way do you still remember my name?” mahabang saad nito. Umiling Naman Ang dalaga dahil hindi Niya matandaan ang pangalan ng doktora. Naalala Niya na nagpakilala ito bilang Isang doktor at marahil ay sa ospital na ito Siya nagtatrabaho. Ngunit hindi Niya maalala Ang sinabi niyang pangalan.
“I'm Doctor Jinky Bolivar.” nakangiting pakilala nito na iniabot pa Ang kanyang kamay sa dalaga, na agad Namang tinanggap ni Christine. Magaan agad ang loob ng dalaga sa doktora.
“And don't worry about the expenses, we own this hospital so I take care of it! Just relax your mind and rest.” Patuloy nito. Hindi Naman makapaniwala si Christine sa narinig. Paano Ang Isang maganda at mayaman na tao ay tutulungan Ang Isang tulad Niya. Ni Hindi nga Siya kilala nito ng personal. Ngunit walang pag aalinlangan Siya nitong tinutulungan. Laking pasalamat ni Christine na ito Ang nakakita sa kanya.
“Salamat Po, maraming salamat Po Doc. Jinky!” Masayang tugon ng dalaga, alam Niya na Hindi sapat Ang salitang salamat para tumbasan Ang kabutihan nito.
She owns her big time!
“P-pwede Po ako pumasok ng cleaner Dito sa hospital nyo, magtatrabaho Po ako ng libre para mabayaran ko Po-”
“Christine! I said don't worry about it! No need to work here but you can work for me, if you want.” Saad nito na ikinatigil ni Christine.
“I'm alone in my condo, and I don't stay there all the time because my brothers still want me to go home to our parents house. I need someone I can trust to stay there when I'm not home.” patuloy nito. Hindi Naman agad nakapagsalita si Christine, Hindi Siya makapaniwala na sobrang Buti ng puso nito. Hindi naging hadlang ang pagiging mayaman nito upang maging mabuting tao at maging bukas palad sa mga taong walang kakayahan tulad niya.
“Don't worry I will give you salary every month, para may magamit ka sa panganganak mo,” Turan pa nito. Napaluha na lamang Ang dalaga, Wala siyang mahagilap na salita. Malaking tulong sa kanilang mag ina Ang inaalok nito sino Siya para tumanggi.
“Salamat Po… salamat Po…” tanging nasabi na lang nito.