Chapter 45 MIKAY "Oh anak, bakit tila matamlay ka ata?" tanong ni Nay Cristy nang makapasok ako sa kusina. "Sira po ata ang AC ko sa kwarto. Sinigurado ko naman po na nasa saktong temperatura ito, pero halos mamaluktot ako sa sobrang lamig nang magising ako," pagmamaktol ko saka ako humila ng upuan. Dahil sa sobrang lamig ng kwarto ko, ang ending, bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko. "Achoo!" napatakip ako ng ilong at bibig nang bumahing ako. "Si Damon po pala?" tanong ko. Siguro siya ang nagbuhat sa akin kagabi papunta sa kwarto ko. Natatandaan ko kasi na nasa sala ako kagabi at hinihintay siya dahil nga makikibalita sana ako kung kumusta ang pasyente na inoperahan niya kagabi eh. Dahil sa kakahintay ko sa kanya nakatulog tuloy ako. "Maaga itong umalis dahil may emergency ata,