Chapter 60 MIKAY Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko, sa labas ba, sa cellphone ko... putik! Ramdam ko ang tingin ni Damon sa akin sa tuwing titingin siya sa rearview mirror, hindi tuloy ako mapakali lalo pa't pinagitnaan ako ni Juday at Tina. Ewan ko pero super awkward ang nararamdaman ko ngayon to the point na hondo ko magawang maging komportable. Hindi pa ako makafocus masyado sa tuwing pumapasok sa isip ko kung paano na naman akong ninakawan ni Damon ng halik kanina. Masyado niya akong nililito sa buhay eh. Walang umiimik sa amin sa loob ng sasakyan. Yung pagkadaldal naming tatlo nila Juday ay naglaho dahil sa hiya. May hiya pa rin pala talaga kami kahit papaano. Pero kung kaming dalawa lang ni Damon ngayon ang magkasama, for sure kanina pa ako nakipagbardagulan sa kani