Chapter 18 MIKAY "Again," malamig na utos niya. "Your hands," puna na naman nito. "Dang! Again!" sigaw nito na siyang ikinagulat ko. "Ano ba? Bakit ka sumisigaw?" pagmamaktol ko. Konti na lang magdabog ako at magwalk out eh. Apakasungit niya talaga. Walang konsiderasyon. Inutos kasi ng daddy niya tulungan niya ako kung paano ang tamang pag CPR at pagkuha ng dugo. "You're so stupid! How many times should I tell you that, that's not the proper way of doing it." Lumapit ito sa akin. Ramdam ko agad ang takot na bumuo sa buong nerve system ko. Iba kasi ang awra niya para itong mangangain ng buhay. Salubong ang kilay niya, sobrang dilim ng mga mata niya, at kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga ito... mukhang hindi na talaga ito natutuwa. "Your hands should be here." Halos