CHAPTER 33: Kasambahay

2302 Words

Chapter 33 MIKAY "Kumusta Mikael. Naramdaman mo ba ang bagsik niya?" tanong agad sa akin ni Nurse Yen nang makita niya ako. "Nairaos ko po," saad ko. Kahit na talagang maayos namin ang naging trato sa akin ni Damonyo kanina... maliban lang talaga sa pinaramdam niya sa aking kakaiba. Kasi naman eh! "Oh bakit parang namumula ka ata?" tanong ni Nurse Yen. "P-Po?" Hinawakan ko ang mukha ko. "Mainit lang po." Shucks! Bakit naman ako namumula? Mukhang malandi na ata talaga ako. Jusmiyo naman! Para akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang sitwasyon namin kanina... sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin... nakangiti pa siya... parang... para siyang... "Anghel," wala sa sariling sambit. "Anghel? Sinong anghel? Si Doc Damon? Baka anghel na may sungay kamo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD