1

1898 Words
First day of school meaning new classmates, new teachers at new crushes but for me it is the beginning of torture. As for all you know, hindi naman ako yung tipo ng studyanteng masipag at matalino, average lang kumbaga pero nairaraos ko ang kada semester ng maayos at proud parin ang parents ko sakin. Gusto ko lang din matapos ang natitirang taon ko sa kolehiyo. Para makapagbakasyon ako overseas kahit ilang linggo lang bago sumabak at harapin ang totoong hamon ng buhay. Also, I'm excited to work with my dad dahil alam ko na marami akong matutunan with him. "Excuse me," Sabi ko sa mga taong nakaharang sa hallway. "Going through," At ng makalagpas ay nagmamadali akong tumingin sa board kung saan nakadisplay ang mga pangalan ng nanalo sa photography contest but to my dismay wala ang pangalan ko. "Not again..." First year palang suki na ako ng photography contest dito sa school pero kahit isang beses hindi pa ako nananalo. Siguro nga hindi para sakin ang larangan na ito, dapat na ba akong sumuko? "Talo ka nanaman," Usal ng taong katabi ko at kahit hindi ko sya tignan ay sa boses palang ay kilala ko na ito. "Kailan mo ba igigive up yang photography? Tumingin ako sa kaibigan ko na si Maya with her boring expression habang umiinom ng milk tea. "Wow, you are really very supportive," Kunwari nasaktan ako. "I thought you are my friend," "I am," Sagot ni Maya na nakangisi.  "That is why im telling you to stop wasting your time sa pagsali sa mga ganyan. Bakit hindi ka nalang mag model gaya ng ate mo?" Napailing nalang ako. Only my close friends knows na may kapatid akong super model. I don't like bragging my private life kaya kung hindi pa sila magpunta sa bahay at makita ang napakalaking family painting namin ay hindi nila malalaman na kapatid ko si Averi Gonzales. "I'm not made para magmodel," Huminga ako ng malalim. "Pero siguro nga dapat na akong magive up sa photography,"Malungkot ko na sabi. I'm more on architectural photography and i don't know why im really fascinated sa mga nagtataasan na gusali. Minsan naglilibot ako sa Metro Manila na mag isa para kumuha ng mga pictures. "Dapat na ata akong magfocus sa pagtatake over ko sa position ni Papa," "Lucky you dahil may nag aabang na trabaho at opportunity na sayo after college Aubree," Bulong ni Maya. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Maya. She is a full scholar here in our school kaya hindi nakakapagtaka na kabilang sya sa top 5 dean's lister, sya rin ang Vice President ng Student Council, at kung ikulumpara ako sa kanya siguradong sa kangkungan ako pupulutin. "You are smart Maya," Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa magulo at maingay na hallway papunta sa classroom namin. "At sabi ko naman sayo welcome na welcome ka sa company ni Papa," "I will consider that," Isang matipid na ngiti ang binigay nya sakin. "Ayaw ko lang talaga maging tagapag mana ng mga manok, baboy, baka at bukid sa probinsya namin." That is one thing i can't understand kay Maya. Ayaw na ayaw nya sa probinsya nila, kung ako nga papipillin mas gusto ko pang tumira don. "Oo nga pala, nakahanap ako ng sideline," "Wow, congrats!" Sobrang saya ko na bati. "That way hindi na ako hihingi ng allowance kina Mama at Papa,"  Paliwanang ni Maya. Bigla akong napaisip. Why not find a job too? Tutal naman maluwag na ang schedule ko at makakadagdag ito sa experience at credentials ko. "Hiring pa ba?" Curious ko na tanong. Natapatingin si Maya sakin. "Are you serious?" Tumango ako bago sumagot. "Oo, mukha ba akong nagbibiro? Gusto ko makaexperience magtrabaho saka para matuwa sina Mama at Papa," Napakamot si Maya sa kilay nya.  Magsasalita sana sya ng biglang may sumipol samin mula sa grupo ng barkada na nakaupo sa hallway. Ganito ang eskena tuwing umaga dito sa hallway kung saan nakatambay ang mga lovers, nerdy, mga naggigitara at mga babaeng nagdedemo ng make up tutorial. "Good morning Aubree," Bati sakin ng hindi ko kilalang lalaki na napapalibutan ng mga kaibigan nya. At dahil hindi naman ako suplada ay binati ko rin ito. "Morning," Biglang nagsigawan ang mga lalaki na parang nanalo sa lotto. "Boys," "Sayo lang nila nagagawa yan kasi very approachable ka Aubree pero kapag yung Ice Queen na," Huminto si Maya sa pagsasalita at paglalakad pati ako. "Tumitigil at sumisikip ang mundo nating lahat," Talking about the famous Ice Queen of our school is the least thing i wanted to do. The truth is, never ko pang nakausap yang Ice Queen na si Cassandra Monteralba. Sa dami ng naririnig ko na bad comments about her since first year ay hindi ko na  binalak na magkaroon kami ng chance mag usap kaya kapag nakikita ko sya ay umiiwas nalang ako ng tingin. Hindi dahil sa pangit sya or what, sa katunayan nga si Cassandra na siguro ang pinakamagadang babae na nakita ko bukod syempre kay Ate Averi. "Hey girls!" Biglang sumulpot si Ava sa likuran namin ni Maya. "Anong pinaguusapan nyo? Pagkain ba yan?" Parehong napaikot ang mga mata namin ni Maya. Sa aming tatlo na magkakaibigan ay si Ava ang pinakamatakaw at kung ako mahilig sumali sa mga photography contest, si Ava naman sa mga food fest. Samantalang si Maya ay walang malay kundi ang mag make up na halos kainin nya na pati lipstick. "You and your food Ava," Natatawa ko na sabi at sabay sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng classroom since magkakaklase parin kami. Minsan nga nauumay na ako sa pagmukuha nina Ava at Maya pero syempre joke lang yun. "Last year na natin," "Malapit na tayong umalis sa school na to!" Dagdag ni Ava bago sya umupo sa tabi ko. "At haharapin na natin ang reality ng buhay," "Well, Ava." Pukaw ko sa atensyon ni Ava. "Maya already have a work," "Woah really Maya?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Ava kay Maya. "Oo sa coffeeshop, sa tapat lang ng school natin. Naghiring kasi sila kaya ginarb ko na ang opportunity. Sayang naman e, dagdag allowance narin yon." Paliwanag ni Maya. Nagbell na at hindi rin nagtagal ay pumasok na ang professor namin para sa unang subject. Mabuti nalang kumain ako ng breakfast kaya naenergized ang utak ko makinig kahit na ang boring ng way of teaching ng professor namin. Samantalang si Maya ay walang kapagurang sinisiko at kinukurot si Ava kapag pumipikit na ang mata nito sa antok. "Ouch!" Napasigaw si Ava. Lahat kami napatingin kay Ava na napatayo at hinahaplos ang kanyang tagiliran. Nasaktan siguro sya sa pagkurot ni Maya. Wala akong ibang nagawa kundi takpan ang mukha ko para itago ang ngiti sa aking labi at si Maya ay kunwaring busy sa pagsusulat. "What's wrong Ms. David?" Taas kilay na tanong ng professor kay Ava. "Nothing is wrong Sir, but your teaching is very energetic and pure of substance. Keep it up Sir!" At nagmamadaling umupo si Ava na kakakamot kamot sa ulo nya. "I will kill you later," Narinig ko na bulong nito kay Maya. "You can't do that Ava," Sagot ni Maya sabay tingin kay Ava. "Because you love me," "Love your face," Inis na sagot ni Ava bago kami magfocus na tatlo sa tinuturo ng professor. Mabilis na lumipas ang una at pangalawa kong subject. Kaya para kaming mga zombie na nagmamadaling lumabas ng classroom para magpunta sa canteen. We are hungry, okay that's understatement because im starving. Parang dagat ng tao ang hallway, dagsa ang mga studyante kaya dapat nakipagsagupan ka pa sakanila para lang makalagpas. After few minutes, sa awa ng diyos nakarating din kami sa canteen. Pumila kami at bumili ng makakain, gusto sana nila Ava at Maya na sa labas nalang kumain but we only have 30 minutes. "Dapat tinawag nila pizza flour to e," Reklamo ni Maya habang sinusuri ng maigi ang hawak nyang pizza. "Lasang harina," "Magtaka ka kung lasang kamote yan," Sagot ni Ava habang ngumunguya. "Wag ka ng magreklamo, kainin mo na yan." "Ayaw ko nga," Inis na sabi ni Maya sabay ngiti as if she has something in mind. "But if you want," At itinapat ang pizza sa bibig ni Ava. "You can eat this..." "Don't.." Pigil ang inis na sabi ni Ava. "Come on Ava," Pang iinis ni Maya. "Sig—" Tinabig ni Ava ang kamay ni Maya at tumilapon ang pizza sa hangin and take note parang slow motion pa.  Lahat kami ay napahinto ng paghinga ng dumako ang paningin sa pizza na nakadikit sa sapatos ng kung sino man. "Oh gosh," Nanginig ang boses ni Ava ng makilala kung sino ito. "I'm sorry Cassandra," Titig na titig ang tinaguriang Ice Queen sa sapatos nya. Kung kanina ay napakaingay dito sa canteen  ngayon ay tila may dumaan na ang anghel at natameme ang lahat. Ganito ang nagagawa ng presensya ng isang Cassandra Monteralba. "Who the.." Para akong nakuryente sa boses ni Cassabdra. Bihira kasi namin marinig magsalita si Cassandra pero sa tingin pa lang nya ay napaparating nya na ang gusto nyang sabihin. "Kaninong pizza to?" Walang nagsasalita. Napadaretcho ng upo si Ava ng tinitigan syang mabuti ni Cassandra. The popular Ice Queen walked in grace and the sunlights behind her made her look even more regal. Napalunok ako ng tumayo sya sa aking harapan. I don't know kung dala lang ba ito ng kaba kaya biglang  kabog ng aking dibdib. "Who did this?" Tanong ni Cassandra sakin. I could not help but look at her from head to toes. "Hindi ko sinabing tingnan mo ko," Namula ang mukha ko. How dare she to act na parang pag aari nya kami? Hindi naman sya ang nagpapakain samin at nagpapaaral. "Ako.." Pag ako ni Maya at tumayo. Kahit bakas sa mukha nya ang takot ay ginawa nya parin ang akala nya ay tama. "I will—" Tumayo ako at hinarap si Cassandra. I won't let her manipulate my friends in front of me. Bahala na kung ano mangyayari after this. "Hindi namin sinasadya," Pilit kong lakasan ang aking loob. "It just happened," Cassandra crossed her arms with those cold eyes on my face. "Okay. So what are we going to do now?" Pinagmasdan ko ang sapatos ni Cassandra na hindi naman masyadong nadumihan. "Well," Ibinalik ko ang aking paningin sa mukha nya. "Hindi naman siguro kabawasan sayo ang kaonting mantsa sa sapatos mo," Napabuka ang bibig ni Cassandra. "What did you just said?" Kung hindi makapaniwala ang mga taong nakapaligid samin kung paano ko kausapin si Cassandra lalo na ako.  Jesus, i could not believe na magagawa ko ito. Tumayo si Ava at nagmamadaling pinunasan ang sapatos ni Cassandra. "I'm sorry it's my fault," "Ava.." Awat ko sa aking kaibigan pero hindi nya ako pinapansin. Tumayo si Maya at inalalayan si Ava na tumayo pagkatapos nitong linisin ang sapatos ni Cassandra. Hindi ko matanggap na ganito ang ginawa nya sa mga kaibigan ko, masyado nyang kinakawawa ang mga tao dito sa school. "Good," Ngumiti si Cassandra at tumingin sakin. "Mabuti pa tong mga kaibigan mo madaling kausap, wala ng chechebureche," Napasinghap ako ng lumapit sya sakin at hinawakan ang collar ng damit ko. "Dapat alam mo kung saan lulugar para..." I felt my heart stopped when Cassandra's face just inch away from me. "Walang gulo Aubree," Well at least the Ice Queen knew my name. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD