Chapter Twenty AMIR HINDI ko kayang alalahanin ang nakaraang minsang sumira sa daan patungon sa magandang kinabukasan ko. Hinding hindi ko pa kayang magawang patawarin ang taong minsang naging dahilan ng pagkakatanggal ko sa school kung saan ako unang nag-aral at nagsimulang buuin ang mga pangarap ko sa buhay hanggang sa mahinto ako sa pag-aaral. Mabuti na lang at may mga kaibigan akong handang sumuporta sa akin upang sa ganon ay maipagpatuloy ko ang bagay na gusto kong matapos, noon pa man – ang makapag-aral. Nagsimula ang date naming dalawa ni ate Yumi sa bangayan na natapos din sa pagbabangayan. Una, bago kami umalis ay ikinainis niya pala ang pagkakamangha ko sa suot niyang damit na sa huli ay pinalitan niya rin lang. At pangalawa, dahil sa kakulitan niya at kagustuhan niyang malama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books