Chapter Five

3160 Words
Chapter Five MAYUMI “ATE, humina na ang ulan. Tara na,” yaya niya sa akin. “Amir saglit,” pinigilan ko siyang bumalik sa tricycle. “Po?” lumingon naman siya sa akin. “Mahal na yata kita,” Parang gumuho ang lupang kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi ko. HUWAAAAATTT? Sinabi kong mahal ko na yata siya? Ang bilis ko mahulog. Nagkwento lang siya ng kaunti tungkol sa buhay niya, nahulog na ako ng tuluyan? Another huwaattttt??? Am I the answer to his wish? Kung oo, ka-careerin ko na talaga ang pagsama sa kaniya sa tuwing malakas ang ulan at ka-careerin ko na rin talagang magdasal n asana kahit araw-araw ay umulan na lang. Di baleng makalikha na ito ng baha basta kasama ko siyang malulunod sa kaligayahan. Ops. Iba na naman nasa isip niyo. Pero okay lang kasi pati naman ako, iyan din ang nasa isip ko. Kaya it’s a tie! Hindi ko lang inexpect yung sagot niya sa pag-amin ko sa kanyang mahal ko na nga yata siya. “Luh? Nagpapatawa ka ba ate? O baka nalamigan lang iyang ulo mo kaya’t kung anu – ano ang naiisip mo,” natatawa niyang sabi. “Ayaw mong maniwala?” tanong ko. “Ayaw ko. Saka hindi po ako pumapatol sa mga manang. Ibig kong sabihin ay HINDI NA,” diniin niya pa yung dalawang salita sa dulo. Hindi na? Bakit? May past ba siya sa mga manang at matron? Shocks. Bakit hindi man lang ako naconsider? “Hoy! Sinong manang ang sinasabi mo diyan?” “Ikaw. Sino pa bang kausap ko?” “Hindi naman ako mukhang manang o matrona ah,” “Basta, ate pa rin ang turing ko sayo kasi barkada ka ng itinuturing kong nakakatandang kapatid na babae. Kaya umayos ka Ate. Iba na lang. Huwag ako,” saka siya tumalikod at sumakay na sa tricycle. HUWAG SIYA? Matuturuan niya ba ang puso kung sino ang gustong mahalin nito? Hindi ako susuko sa laban na ito. Kung ayaw niya sa akin, pwes, mas gusto ko sa kanya. Kung manang ako sa kanya, e di sige, aalagaan ko siyang higit pa sa baby na pinupulbusan sa singit at kili-kili. Maghintay ka lang Mayumi, mahahanap din ng Treasurew Hunter ang tamang daan para sa napakayamang hiyas ng Yamashita’s Treasure. Baka naligaw lang iyon. Pero nasa harap mo na siya, ang kailangan mo lang gawin ay mapansin niya at dapat ay kapansin pansin ka nga talaga. Payo iyan mula sa maharot kong puso at isipan. Sumakay na rin ako sa tricycle at imbes na mag-isip ako ng dahilan para sa late kong pagpapasa ng documents and reports ay inisip ko muna kung paano niya ako mapapansin. Magsplit kaya ako sa harapan niya? Hmp. Sobrang papansin na iyon kung ganon. Magpasexy kaya ako sa tuwing may time na makikita ko siya? Pwede rin. At dahil gusto niya ng mas bata sa kanya, magiging old school ang datingan ko at magsusuot ng mga pang old school kung hindi man effective ang pangalawang strategy ko para mapansin niya. Abah, tama. Pwedeng pwede kong gawin. O kaya naman, titira ako sa Calle Adonis para naman lagi niya akong makita at marealize niyang sobrang effort ko na pala para lang mapansin niya. Sige, susubukan ko itong huli kung hindi talaga effective ang mga naunang strategies na naisip ko. Ang kaso bakit ako titira sa Calle Adonis? May bahay naman kami sa San Gabriel. Ano kayang idadahilan ko sa parents ko? Na gusto kong magbukod? Magtatanan lang ang peg? Siguro maiintindihan naman ng parents ko kung sasabihin kong gusto ko munang maging independent para matuto sa life. Oh sige, iyon na lang muna ang magiging rason ko sa kanila. Pero hindi ko pa naman sure, bago sa unang transformation ko pa lang ay mahulog na siya sa akin. At iyon ang goal ko for now. KASALUKUYAN pa rin akong nag-iisip nang agawin niya ang atensyon ko. Pumitik pitik siya sa mukha ko mula sa kinauupuan niya. “Hoy ate, kanina pa tayo nandito. Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya. NAndito na pala kami. Uwian na at kailangan kong habulin si Sir. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko. “Eh kanina pa tayo nakahinto, hindi ka naman bumababa,” “Sorry naman. Baka naenjoy ko lang ang pagdadrive mo,” bumaba na ako. Umikot ako at hinarap ko siya. “Salamat ha? Teka, magdamit ka na at huwag mong gawing kapa iyang damit mo. Hindi ikaw si superman para magkapa ng pula at hindi ka model para magpakita ng katawan sa kalsada. Wala ka rin namang abs kaya please lang, itago mo na,” walang patid kong sabi. “Ssssuuuss, kanina mo pa ako pinagpapantasyahan sa waiting shed, ngayon mo lang sinabi at halos inubos mo na ako diyan sa utak mo,” saka siya nagsuot ng damit sa harapan ko. “Hoy, tumingin lang ako. Hindi nga ako naglaway eh,” inirapan ko pa siya. “Kaya pala halos singhutin mo na kanina ang amoy ng damit na ito,” natatawang sabi niya. “Huwag ka ngang feeling diyan,” napakapabebe ko talaga. I hate myself. But I love this moment. Ang sarap niyang pagmasdan na nakangiti. Napakaaliwalas ng mukha niya. “Sige, alis na ako. At yung sinabi ko sayo kanina ate, seryoso iyon. Ayaw kitang paasahin kaya’t tigilan mo na lang iyan. Halata naman kita, noon pa, pero ngayon ko lang sasabihin sayo kasi umamin ka na,” “Tingnan na lang natin kung ganyan pa rin ang sasabihin mo sa mga susunod na pagkakataon,” tinaasan ko siya ng kilay. “Magtatago na ako kapag nagkataon,” “Hindi ka makakapagtago sa akin bata. Maliit lang ang Calle Adonis at susuyudin ko iyon para lang mahanap ka,” very determined ans self-driven ang lola niyo. “Kinilabutan pa ako sayo. Sige, tingnan na lang natin. Pero kumpyansa akong wala talaga eh. Pasensya ka na ho, manang,” ngumiti siya at nagtaas baba pa ang kilay niya dahilan para mamulaklak ang mga dapat mamulaklak sa akin. “Let’s see. For now, mag-iingat ka pauwi baby ha? Huwag ka ng papabasa sa ulan. Maligo ka na rin pagdating at baka magkasakit ka,” hinimas ko pa ang ulo niya. “TTssss, tigilan mo nga ako. Nananyansing ka na naman. Bawal iyan. Child abuse,” kinabig niya ang kamay ko. “Para hawak lang, child abuse kaagad? Sige na, shooo,” tinaboy ko pa siya. “I love you too,” saka siya kumaripas ng andar. Alam kong joke lang iyon dahil tawang tawa siyang umalis pero kahit joke ay masaya na ako dahil napakaganda nito sa pandinig ko. “Hooyy, huwag mo na ulit sasabihin iyon kung hindi totoo. Nakakainis kang bata ka,” sinigawan ko pa siya at mula sa likod niya ay kumaya pa siya sa akin. I LOVE YOU TOO. Kung seryoso lang ang mukha niya at hindi siya tumawa, malamang hinimatay na ako kanina pa. Pero mas hihimatayin ako kung pagagalitan ako ni boss dahil hindi ko pa naisubmit ang reports na kailangan niya. Kumaripas ako ng takbo papasok pero palabas na ang ilan sa mga kasamahan ko. “Oh, Yumi, saan ka galing? Kanin aka pa hinahanap ni Boss Andrew,” salubong sa akin ni Abigail na kasamahan ko rin sa trabaho. “Nandiyan pa ba siya?” tanong ko. “Tingnan mo sa office niya. Baka nag-aayos nan g mga gamit niya. Uwian na kaya,” sagot niya. ‘Sige sis, salamat ha?” tumakbo na naman ako papasok sa opisina at halos masubsob ako ng pumreno ang mga paa ko dahil nasa harapan ko na si Boss Andrew at palabas na rin ng kanyang opisina. “Sa wakas umabot pa ako,” hingal kong sabi. “Hindi ka na umabot at ginawan ko na ng paraan ang mga documents and reports na dapat ay manggaling dapat sayo,” ma-autoridad na wika ni Boss. Shocks. Nasa early thirties pa lang si Boss Andrew at isa siya sa mga bosses ng DRST. May asawa at isang anak na rin siya pero hindi maitatago ang kakisigan niya. Pero sobrang sungit at metikuloso kaya mahirap kunin ang kiliti niya. Mabait din naman kapag may time pero most of the time talaga ay magaspang siya. “Sir, mahabang kwento,” sabi ko pa. “Oo. At mahaba ang kwentuhan natin bukas ng umaga. Kaya humanda ka. See you in my office at 09:00 A.M. with or without your invalid reasons. Good bye,” naglakad na siya paalis at naiwan akong bagsak balikat sa loob. Invalid reasons? Masyado naman siyang judgemental sa akin. Valid naman yung reasons kong naulanan ako kaya’t hindi ako umabot. Hindi ko rin kasalanan kung umulan ng malakas ngayon. Sabihin na nating hinaluan ko ng kaunting paglalandi pero major naman talaga ang problema ko sa ulan kaya ako hindi nakahabol. Hindi ako pwedeng magtake risk na basta na lang salubungin ang malakas na ulan habang binabaybay ang halos zero visibility na daan. Nakasimangot akong lumabas ng opisina at halos walang laman ang utak ko dahil na rin siguro sa pagod. Feeling ko nga talaga ay malas ako today. Pero sa kabila nito, may magandang nangyari. Nasilayan ko naman ang mga ngiti ni Amir kaya’t napawi lahat ng iyon. Naglakad na rin ako kaagad palabas ng opisina. Tila luting lang ako habang nag-aabang ng masasakyan sa labas ng gate. Ang hitsura ko, parang manang na manang nga talaga dahil sa jogging pants at malaking t-shirt. Gayunpaman, may ngiti pa rin ako sa labi ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. AMIR MABILIS lumipas ang araw at ngayon ay araw na ng Sabado at ngayon ay kaarawan ni ate Kristine, ang nobya ni Pareng Macky. Tinawag akong tulungan siyang magluto ng mga handa. Wala naman akong pasok ng Sabado kaya’t hindi ko na rin tinanggihan. Sabi nila, masarap daw ako magluto. Para sa akin naman ay sakto lang. Wala naman kasing alam na gawing trabaho ang mga kapatid ko kaya’t halos ako lahat ang gumagawa sa bahay sa tuwing nandoon ako. Sa totoo nga niyan, mas kaya ko na sanang magbukod kaysa naman ako na halos ang gumagastos para sa kanila imbes na para sa pag-aaral ko na lang sana. Wala rin naman silang pakialam sa akin kung ako ang nangangailangan kaya may time talagang sumasagi sa isip ko ang pagbubukod. Siguro sa tamang oras o panahon. Alas dos ng hapon ay nagtungo na kami sa bahay ni Ate Kristine. Kasama ko si Pareng Macky na siyang punong abala sa lahat ng paghahanda. Kinausap niya kami noong isang araw pa tungkol dito at kanya kanya naman kaming gagawa ng paraan para makatulong sa kanya. Bilang bunso ay excuse ako sa paggastos. Wala pa naman akong trabaho kaya naiintindihan nila. Ako ang magluluto ng Bicol Express. Natutunan ko lang din ito kay Pareng Baste na siyang mas expert sa pagluluto ng ganitong putahe. Natatanong ni Pareng Macky sa akin kung gaano na kami ka-close ni Ate Yumi pero sa totoo lang talaga ay hindi pa kami close. Matagal ko na rin siya talagang nakikita sa mga okasyon ng barkada pero noong birthday lang ni Beatrice ko siya lubusang nakilala. Ganon pala talaga siya. Akala ko mahinhin dahil Mayumi ang pangalan. Pero hindi pala. Sobrang kabaligtaran. Pasado alas dos nang dumating na rin ang ilan sa aming mga barkada na may kanya kanyang dalang pagkain at pangdekorasyon. Mag-aalas cuatro na rin nang dumating sila Pareng Baste kasama si Yumi. Nauna kasing dumating si Ate Ruby kasama sina Ate Lara at Ate Kyla. Pagdating nila ay ako kaagad ang nilapitan ni Ate Yumi sa kusina para kulitin habang nagluluto ako. Nakakainis lang dahil naaasiwa ako sa suot niyang damit. Kita na ang cleavage niya at sinasadya pa yatang isuot ito ngayong araw na makikita niya ako. Hindi ko gusto ang ganitong tipo ng babae na papansin at gagawin ang lahat para makakuha ng atensyon. “Hi,” bati niya saka naupo sa silyang nasa tapat ng lamesa. Ngumiti lang ako pero yung ngiti ko ay walang halong ibang emosyon. “Magaling ka palang magluto. Mas naiinlove tuloy ako,” nangalumbaba pa siya sa lamesa. Tiningnan ko lang siya ng walang expression sa mukha. “Bakit parang natatakot ako sa tingin mo sa akin? May balak ka bang masama?” pangiti-ngiti pa siya. Umiling lang ako na para bang sinasabi kong nasisiraan na yata siya ng bait. “Ano, magsalita ka naman diyan,” dagdag niya pa. Sa inis ko sa kanya ay lumapit ako at tumayo sa likuran niya. Inilagay ko ang pareho kong kamay sa balikat niya at bahagya akong yumuko para bulungan siya. Sa sobrang bango niya ay halos mabahing ako. “Ate. Hindi ba’t sinabi ko sayo noong isang araw na tigilan mo ako sa mga trip mo. Hindi ko trip ang mga manang kaya sana ay naiintindihan mo ako. Para lang sa huli, hindi ako ang magmukhang masama dito. Kaya sinasabihan na kaagad kita habang maaga pa,” mahina ngunit alam kong sapat na para maunawaan niya ang mga sinabi ko. “Hindi na nga ako manang. Nag-effort pa nga ako sa outfit ko para lang hindi matawag na manang pero iyan pa rin ang tingin mo sa akin,” sumagot pa talaga siya. “Para lang alam mo, PO, hindi ko rin gusto iyang suot mong iyan. Para kang nangangailangan ng 150 sa daan. At ang ibig sabihin ko sa manang ay hindi lang basta sa suot kundi pati sa lahat ng apeto. Respetuhin mo yung sarili mo Ate, baka mas ma-appreciate pa kita,” Hindi na siya nakakibo pa. Bumalik na ako sa ginagawa ko dahil maya maya lang ay darating na sina Pareng Macky at Ate Kristine. Abala na ang lahat sa pag-aayos. Luto na rin naman ang mga handa kaya ang gagawin na lang ay magseset-up ng mga ito sa lamesa. ILANG sandali pa ay naging abala na ang lahat sa kanya kanyang pagkain. Sobrang nasorpresa pa si Ate Kristine sa mga handa ta sa mga dekorasyong ginawa ng mga kaibigan niyang babae. Kaming mga magbabarkada ay nag-inuman at nagkantahan lang sa labas ng bahay. May bench kasi doon at round table na gawa sa kahoy kaya’t doon kami pumwesto para sariwa ang hangin. Sa grupo naming ay ako lagi ang taga-gitara at sila ang taga kanta. Dala ko rin naman ang gitara ko kaya sige, pagbibigyan ko silang magkantahan. Sa hudyat ko ay kakantahin naming lahat ang paboritong kanta ni Kiel dahil sa aming lahat ay siya lang ang hindi pa nakakamove on sa nakaraan niya. “One, two, three,” hudyat ko. Ngumiti kahit na napipilitan… Kahit pa sinasadya… Mo akong masaktan paminsanminsan… Bawat sandali na lang… At dahil hindi sila kumanta ay ako na lang ang nagpatuloy. Nagkakantyawan naman sila habang kumakanta ako hanggang sa mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. “Mukhang may pinariringgan ka brad,” biglang singit ni Pareng Arc. “Nandiyan yata sa loob. Tawagin niyo,” ginatungan pa ni Pareng Baste. “Sino? Si Yumi?” Inaagawan mo ako brad,” sabad naman ni Nathan. “Tsk. Uyyy, tol, huwag nakakahiya,” inawat ko si Pareng Macky dahil mukhang tatawagin niya si Yumi sa loob. “Yumi, may sasabihin daw si Amir,” sigaw ni Pareng Kiel kaya’t wala na ring akong nagawa. “Bunganga mo uyyy,” inawat ko siya pero wala na talaga. Maya maya ay lumabas si Yumi. “Bakit naririnig ko ang pangalan ko diyan?” dumungaw siya mula sa pintuan pagkasabi nito. “Bakit? Ikaw lang ba ang Yumi sa mundo?” nagsungit-sungitan na lang ako para matabunan ang hiya ko. Kahit magmukha akong defensive ngayon. “Bakit? Ikaw ba ang tinatanong ko?” mataray niyang bwelta sa akin. Abah, at balak pa akong asarin ulit. “Ayyyoooonnnn,” kantyawan ng mga kaibigan ko. “Pumasok ka na sa loob. At baka malasing ka na naman dito,” itinaboy ko na siya para matigil na ang lahat. “Wala kang pakialam kung malasing ako,” lumabas siya ng pintuan saka namaywang. Tsk. Nasisiraan na ba siya ng bait? “Kaya pala pinapasok mo ako sa banyo. Buti na lang tapos na akong maligo,” hindi naman ako papaya na ako lang ang talunan sa laban na ito. “Gago. Hindi kita pinasok,” sagot naman niya. “Yumi tawag ka ni Baby Baste,” mula sa loob ay narinig naming tumawag si Ate Ruby. Dahil doon ay sa wakas pumasok na sa loob at nawala na sa paningin ko ang kinaaasaran kong nilalang sa mundo sa ngayon. Kapagkuway lumabas ng bahay ang dalawang junior ng barkada ko. Sina Baby Baste at Baby Leo na parehong kumandong sa mga ninong nila. NANG gumabi na ng husto ay isa isa na ring nagsi-uwian ang mga dumalo. At dahil ako lang ang mukhang matino sa mga barkada ko ay pakiramdam ko na ako na naman ang maghahatid kay Yumi pauwi sa kanila. Hindi rin naman talaga ako makatanggi sa kanila kaya’t kahit nababanas ako ay papayag na lang ulit ako. “Amir, sorry kung ikaw na naman paghahatidin ko sa kaibigan ko. Tingnan mo naman ang kuya Baste mo oh, halos ayaw nang tumayo sa kinauupuan sa kalasingan. Pasenysa ka na talaga ha?” request ulit ni Ate Ruby. Kung hindi lang talaga dahil kay Ate ay hindi ko na ihahatid ang babaeng iyon. Kaso, napakabait lang talaga niya sa akin kaya’t hindi ako tumatanggi. Sila rin naman ang lagi kong natatakbuhan sa tuwing may kailangan ako kaya ano lang yung kaunting effort para sa kaibigan nila. “Sige ate, okay lang po. Anong panghahatid ko sa kanya ate?” “Nasa bahay yung tricycle. Alam mo naman idrive yung sasakyan diba? Yun na lang gamitin mo. Maglalakad na lang kami pauwi kina tatay Ismael. Ipark mo na lang din mamaya sa bahay pagkauwi mo,” sabi pa niya at saka kinuha sa kamay ni Pareng Baste ang susi ng sasakyan. “Nasaan na yung ihahatid ko ate?” “Nasa labas na. Magiingat kayo ha?” “Sige ate,” lumabas na rin ako. Tinungo ko na ang sasakyan na nakapark malapit sa hardware. Nakaupo na pala sa tapat nito si Yumi at naghihintay lang kung sino ang maghahatid sa kanya. Laking gulat niya nang makita niya akong paparating. “Bakit ikaw?” “Bakit? May iba pa bang magtatyagang ihatid ka?” sabi ko. “So pinagtatyagaan mo pala ako?” “Para ito kina Ate Ruby at hindi para sayo,” Sumakay na ako at sumunod naman siya. “Kung alam ko lang na ikaw pala ang maghahatid sa akin e di sana kina Ruby na lang ako natulog,” “Sana kanina mo pa naisip iyan Ate,” “Bakit ang gaspang mo sa akin?” pumihit siya para harapin ako. Nagdadrive na ako habang nag-uusap kami. “Magaspang na ba ako sa lagay na iyan?” “Porque alam mong may gusto ako sayo feeling mo ay easy to get na ang tulad ko. Kung makataboy ka sa akin parang papel lang ako na walang damdamin,” nagsimula na siyang maglabas ng sama ng loob. “Lasing ka yata ate,” “Nakainom lang ako,” “Sabi ko nga,” ayaw ko na siyang patulan pa. “Tandaan mo ito bata. Sa oras na magustuhan mo rin ako, ikaw naman ang dededmahin ko kaya sana lang hindi mo kainin ang lahat ng mga masasakit na sinabi mo sa akin. Idinuro duro niya pa ako. “Okay po. Tatandaan ko po iyan,” “Dapat lang,” Nilingon ko siya at pipikit pikit na ang mga mata niya dahil siguro sa antok at kalasingan. “Saan ang bahay niyo?’ ‘San Gabriel. Centro Uno, ikalawang kanto, block 14,” sagot niya. Mabuti naman at hindi niya nakalimutan ang address nila. Pagdating namin sa mismong tapat nila ay kinalabit ko siya dahil mukhang tulog na. “Hoy Ate, nandito na tayo,” “Ha? Oh sige, bye,” pagbukas niya ng pintuan ay bumaba siya pero bigla rin siyang natumba ulit dahilan para bumaba rin ako at patakbong tinungo siya. “Tsk. Bwisit naman oh,” reklamo ko. Itinayo ko siya at inakay para maglakad papasok sa kanila. “Huwag mo na lang akong alalayan kung bwisit ako,” inilalayo niya ang sarili niya. “Dali na kasi. Gabi na oh, uuwi pa ako,” Bumigay na rin naman siya. “Hanggang kailan ba kita ihahatid at aalalayan lagi ng ganito? Kababaeng tao napakalasinggera,” mahina kong sabi habang inaalalayan siyang maglakad patungo sa gate nila. Nang makarating kami ay nagulat ako sa bulto ng lalaking nakatayo sa tapat nito. “Anong klaseng nobyo ka na hinayaan mong umuwing lasing ang anak ko?” malaki ang boses nito at sa pagkakarinig ko ay anak niya si Yumi. Tsk. Paktay kang bata ka. Paktay ka Amir. Hayayay! End of Chapter Five.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD