Chapter Seven AMIR NAPAKABAIT sa akin ng mga magulang ni Ate Yumi. Kakikilala lang nila sa akin pero ganon na lang nila ako asikasuhin. Kagabi ay akala ko taga NBI sila kung makapagtanong ng impormasyon tungkol sa akin. Pero kalaunan naging madali na lang sa akin ang sumagot sa mga katanungan nila. Pakiramdam ko tuloy ay matagal na kaming magkakakilala. Nagising ako ng maaga at dahil hindi na ako dalawin ng antok ay bumangon na ako at nag-ayos ng higaan. Hindi ko rin naman nagamit ang kumot kaya hindi na rin ito nagulo sa pagkakatiklop. Isinuot ko na ang t-shirt kong isinabit ko sa upuan kagabi at saka lumabas. Naabutan kong nagkakape sina tito at tita kaya naman bumati ako. “Magandang umaga po,” lumapit ako sa kanila. “Ang aga mo namang bumangon,” wika ni Tito Ramon. “Hindi na po ka