Chapter Three

2392 Words
Chapter Three AMIR WALANG HIYA. Bukas pa ang zipper ng suot niyang pang-ibaba. Kaya’t lumapit ako mula sa pagkakaupo ko sa motor ng tricycle upang ako na mismo ang magsara nito. Wala man lang siyang kaalam-alam na bukas pala ito. Napagkamalan pa akong nanghihipo ng pwet niya. Ako na nga itong nagmalasakit, ako pa itong pinagkamalang manyak. Pagkataas ko nito ay halos hindi siya makatingin sa akin. Ramdam ko naman ang pagkapahiya niya. Pero wala iyon sa akin. Nakita ko na rin naman siyang naka panty at bra lang kagabi. Wala na siyang dapat ikahiya pa sa akin. Agad na rin akong umalis. Ilang kanto lang ang layo ng pinagtatrabahuhan niya sa san Lorenzo University kaya’t hindi pa ako mahuhuli sa klase ko. Ipinahiram sa akin ni Ate Ruby ang Tricycle na siya kong iyuuwi mamaya sa Calle Adonis. Second Year College na ako sa kursong Bachelor of Science in Marine Transportation. Sa San Lorenzo University lang mayroon nito at wala sa mga karatig probinsya at bayan kaya naswertehan kong ang kursong gusto ko ay nasa mismong bayan lang. Pangalawang kurso ko na ito. Nakadalawang taon ako sa St. Francis College dito rin sa San Lorenzo sa kursong BS Marine Engineering pero dahil sa isang problema ay huminto ako. Ngayon ay nagtransfer ako sa San Lorenzo University sa medyo kalapit na kursong napasukan ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay lalaki kaya wala masyadong temptasyon sa aming kolehiyo. Mahal ang kursong ito pero ito kasi ang gusto ko kaya kahit anong hirap ay pagtatagumpayan ko para lang matapos ko ang kurso ko at makapaghanap ng trabaho. Nasa dulong bahagi ng eskwelahan an gaming building at dadaanan ko pa ang mga buildings ng Education at Nursing bago ko marating iyon. At sa mga buildings na ito ako nakararanas ng taas babang tingin ng mga babae, binabae at ng mga balak pa lang magbinabae sa kanilang buhay. Sa tuwing dadaan ako dito ay halos gusto ko na lang tumakbo dahil parang ang mga tingin nila sa akin ay wala nang saplot. “Kyah Kyah,” tawag ng mga magbabarkadang bading sa sulok. “PPssstt, pogi,” sitsit naman ng ilan sa kabila. “Kyah wampipti, kyah” alok ng ilan sa isang sulok. Natatawa na lang ako. Tinitingnan ko lang sila at nginingitian ng bahagya para hindi ako magmukhang suplado. Hanggang sa masanay na rin ako sa mga ganitong tingin nila sa akin araw-araw tuwing daraan ako dito. At dahil Marine Transportation ang kurso ko ay dalawa an gaming uniporme na salitan naming ginagamit. Ang puti na may ternong itim na pantalon ay pang M-W-F at ang navy blue naman na may terno ring itim na pantalon ay pang T-Th. Nakakadagdag ito ng kagwapuhan sa ilan at hindi ko maikakailang ganun ang tingin nila sa akin lalo na sa tindig ko pa lang. Hindi pa ako nakakapagpagupit kaya halos magtago ako sa klase kapag si Dean na ang nagtuturo. Siguro mamaya na lang pag-uwi ko. Nasa may dulo na ako ng building ng Nursing at saka ko nakitang pasalubong si Sir Lance. Teacher siya sa College of Nursing at may units siyang natapos sa Education at English ang kanyang specialization. “Mang,” bati ko sa kanya. Mang ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya. Naging teacher ko siya sa English noong first year ako. Paano kami naging close? Una, hindi ako nakikinig sa kanya kasi nga ayaw ko sa mga bading. Alam kong may gusto siya sa akin dahil halos kada may tanong siya ay ako ang tinatawag niya. Hindi ako tumatayo minsan dahil nababad trip ako. Hanggang sa hindi ako makapagbayad ng isang semester dahil gipit ako. Nalaman niyang hindi ako pumasok sa araw ng examination kaya’t siya na mismo ang pumunta sa Cashier’s Office para bayaran ang kulang ko sa matrikula. Iyon ang unang tulong niya sa akin. Kaya’t upang makabayad ay nagboboluntaryo akong magbuhat ng mga gamit niya kapag natetyempuhan ko siya, o kaya naman ay magcarwash ng sasakyan niya dahil madalas na rin ako sa kanila. Kapag may mga bilin siya, ako ang nagpapaabot nito sa mga teachers o kaya sa mga estudyante niya. Pero halos umiwas din ako sa kanya lalo na noong magkaroon kami ng issue sa school. Ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral ko dahil lang sa iniisip ng tao. Hindi naman siguro masamang maging magkaibigan kami pero para sa ibang tao ay may malisya ito. Pero nakonsenysa ako sa ginawa kong pag-iwas dahil hindi siya nagbago. Naging mabait siya sa akin at hindi siya katulad ng iba na mapagsamantala. Hindi lingid sa kaalaman ko na may pagtingin siya sa akin pero malinaw sa kanya na hindi ako papatol at hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Hindi katulad ng iba, iniwasan ako noong malaman nilang hindi ako katulad ng iniisip nila. Pero si Mamang, nanatili. Kaya’t para sa akin, magkaibigan talaga kami. Gusto na rin niya akong tumira sa kanila noong una, pero hindi ako pumayag. Hindi ko iisipin ang sasabihin ng ibang tao dahil wala naman kaming ginagawang masama. Pero teacher siya at estudyante ako sa paaralan na kung saan siya nagtuturo kaya iyon na lang ang inisip ko. Naunawaan niya naman at nagpapasalamat ako dahil nanatili siyang maging mabait sa akin. Minsan, ako ang tinatawag niyang kasama niyang maglinis ng bahay. Tapos pag may okasyon ay susunduin niya ako. Pero ihahatid din naman pauwi. Tanging ang kanyang ina na lang na may katandaan na ang kasama niya sa buhay at tulad niya ay mabait din ito. Si Mamang na ang itinuring kong pangalawang ina. “Naihatid mo na ba si Ate sa workplace niya?” tanong niya. “Ah oo mang. Sa may kumpanya doon sa boundary siya nagtatrabaho,” “Hanggang anong oras ka mamaya?” “Hanggang alas tres lang ako mang. Uwi na rin ako kaagad pero dadaan muna ako sa bayan para magpagupit,” “Oh siya sige. Eksakto, daanan mo ako sa faculty room namin mamaya. May ipadadala ako sayo na document. Kailangan nung kaibigan ko na taga sa inyo,” “Sino po?” “Si Kyla,” Nurse si Sir Lance at mas pinili niyang magturo kaysa gawin ang kanyang propesyon. Kaibigan niya pala si ate Kyla, kapatid ng barkada ko. “O sige po mang. Dadaanan ko na lang po,” “Sabay tayo maglunch?” “Naku, baka ilibre mo na naman ako. Huwag na lang,” “Hindi. KKB,” “Sige, 11:30 na lang po sa may school canteen,” “Ayaw mo sa labas?” “Nagtitipid ako ngayon mang eh. Kinuha ng madrasta ko yung pambayad ko sana ng matrikula,” umiwas ako sa kanya dahil alam kong gagawa na naman siya ng paraan para makabayad ako. “Bakit kasi iniiwan mo ang pera mo sa bahay niyo? Diba’t sinabi ko naman sayong i-aapply kita ng account sa bangko?” “Huwag na mang. Nakakahiya na sayo,” “Naku, ito talagang batang ito. Paano na iyan?” “Gagawa na lang po ako ng paraan,” “Eksakto, marunong ka naman sa pagmamaneho. May kaibigan akong taga San Gabriel, naghahanap ng magtuturo sa kanya magdrive. Irerecommend kita sa kanya sa weekend,” “Babae po ba o kafederasyon?” nagbakla-baklaan ako. “Hindi mo bagay,” natawa siya. “Pero may asawa na iyon. Sundalo. Nakabili ng kotse. Hindi naman pala marunong magdrive. Kaklase ko noong college,” “Sige mang. Sabihin mo lakihan naman ang bayad,” “Akong bahala,” “Salamat mang. Papasok na ho ako,” “Sige. Sa canteen ha?” “Sige ho,” nagmadali na akong maglakad papunta sa klase ko. EKSAKTONG alas tres ng hapon natapos ang klase ko. Dumaan ako sa faculty room ng Nursing at saka ko kinuha ang documents na binilin ni Mamang. Lumabas na ako at nagtungo sa lugar kung saar ko iniwan ang tricycle ni Kuya Baste. Dadaan muna ako sa pagupitan para bukas ay hindi na ako magtago sa mga teachers namin. Strikto pa man din sila. May kakilala rin akong manggugupit sa bayan. Bading din at may pwesto siya sa calle Adonis. Inaamin kong naging kami pero limang araw lang dahil hindi ko talaga kayang gawin iyon. Si Nanay Ashley. Magkaibigan na lang kami ngayon at ayos lang iyon sa kanya. Sa kanya ako nagpapagupit dahil gamay niya ang ulo ko. Alam niya kung ano ang nababagay sa akin. Minsan hindi na ako sinisingil kaya nahihiya na rin talaga ako. Pagkatpos kong magpagupit ay parang gumaan ang ulo ko. Idinrive ko na ang tricycle at tyempong pag-andar nito ay bumuhos ang malakas na ulan. Kanina pa kasi nagdidilim ang langit kaya hindi na ito nakapagtataka. Tuloy pa rin ako sa pagmamaneho hanggang sa makauwi ako ng Calle Adonis. MAYUMI “SHEMS, naiwan ko ang flashdrive ko sa bahay nila Ruby. Nandoon ang reports na isasubmit ko before mag five o’clock. This is ridiculous,” Napahawak ako sa sentido ko habang nakaupo ako sa harap ng aking desk. Tiningnan ko ang orasan at menus kinse minutos ay mag-aalas tres na kaya’t nagmadali akong kunin ang phone ko sa bag at idinial ang number ni mards. Agad naman siyang sumagot. “Hello,” “Hello mards. Naku naiwan ko sa bahay ninyo yung flashdrive ko. Baka pwedeng balikan ko diyan?” “Mards nakita ko nga eh. Nasa akin na hawak ko. Pero nasa Calle Adonis ako ngayon kasama ang mga bata at si Baste. Naku, nag-iinuman na naman sila. May part two dito at hindi ko maiwan –iwan ang mga bata. Wala naman si Amir, ipapahatid ko n asana,” “Okay lang mards. May oras pa naman. Ako na lang ang pupunta diyan,” “Sure ka? Kailangang kailangan na ba talaga? Baka pwede mong pakiusapan si boss. Bukas naman ay nandyan na ako,” “Kailangan na mards. Diba sabi niya noong meeting dapat mameet ang deadline,” “Sabagay. Oh sige, mag-iingat ka ha? Deretso ka na lang dito,” “Sige. Alis na ako dito,” Ibinaba ko na ang tawag at nagmadaling lumabas ng opisina. “Manong, aalis lang ako sandal. Kailangan ko kasing balikan yung reports ko. Need nang ipasa mamayang before 5 p.m. May oras pa naman,” paalam ko sa guard. “Sige ma’am. Mag logbook na lang po kayo,” Pagkapirma ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng opisina. Mag-aalas tres na. Makulimlim pa. Malapit lang ang sakayan mula sa gate ng aking pinagtatrabahuhan. Tumakbo ako papuntang sakayan at kung minamalas ka nga naman talaga ay maaabutan ka pa ng mahabang pila ng mga pauwi sa Calle Adonis. Halos mga estudyante ito. Papadyak padyak ako habang tinitingnan ang orasan ko. Madilim na ang langit. Huwag naman sanang umulan. Hanggang sa ako na ang una sa pila kaya’t agad akong sumakay at sinabi sa driver kung saan ako. “Ikaapat na kanto po sa Calle Adonis. Pakibilisan na lang po manong. May kailangan po kasi akong habulin,” “Makakarating po tayo doon ng maayos ma’am,” sagot ng driver. “Sige po,” Binabaybay namin ang daan malapit sa arko ng Calle Adonis nang biglang tumirik ang sinasakyan kong tricycle. Minamalas talaga ako today. Una, bukas ang zipper ng skirt ko pagpasok at nakita pa ito ng aking crush. Pangalawa, nakalimutan ko pa ang flashdrive na naglalaman ng reports ko. Pangatlo, sa pagmamadali ko ay nasiraan pa ang sinasakyan kong tricycle at mukhang mababasa pa ako ng ulan. “Naku ma’am. Pasensya ka na. Hindi na tayo maitatakbo nito. Butas na ang gulong. Malayo pa man din ang vulcanizing shop dito,” Ayaw ko nang dagdagan ang stress ko kaya’t inabutan ko na lang siya ng bayad at bumaba. “Huwag na ma’am. Malaki na ang abala ko sa inyo,” “Hindi manong kunin mo na po,” kahit papaano ay may konsenysa pa rin ako. Bumaba na ako at nagsimulang pumara ng mga sasakyan. Kaso walang gustong magsakay sa akin. Naglakad-takbo akong pumasok sa kanto patungong Calle Adonis at wala pa masyadong kabahayan kaya’t nilakasan ko ang loob ko. Tumingin ako sa orasan at Three Thirty Four na ng hapon. “Kaya mo iyan Yumi. Huwag kang susuko. Para sa ekonomiya ng bansa,” tinapik ko pa ang balikat ko at nagmadaling tumakbo. Apat na kanto ang kailangan kong lagpasan at bawat kanto ay may layong halos tag isang kilometro. Paparahin ko na lang ang kung sinong makita kong dadaan. At sa ikaapat na pagkakataon ay minalas ako dahil bumuhos na ang napakalas na ulan. Agad kong kinapa sa loob ng bag ko ang payong at sa ikalimang pagkakataon ay wala sa loob nito ang hinahanap ko. Naalala kong isinabit ko pala sa umbrella rock ang payong ko dahil ginamit ko kaninang tanghali dahil sa labas kami kumain. Sobrang init kasi kanina at hindi ko ineexpect na uulan ng malakas ngayon. Napaupo na lang ako sa sobrang kamalasang dinanas ko ngayon. Basa na ako. Buti na lang at waterproof ang bag ko kaya’t hindi mababasa ang mga nasa loob nito. Tumayo ako at para akong basing sisiw na naglalakad. Naka heels pa ako sa lagay na iyan ha? Bagsak ang balikat. Basa ang buhok. Sige, ako na ang basing basa sa ulan at walng masisilungan, wala ring malalapitan. Ang sarap lang mag-emote sa mga ganitong pagkakataon. “Lakasan mo pa. Diba gusto mo ito? Goooo, bumaha ka na rin para malunod ako dito,” itinuro turo ko pa ang kalangitan. May mga nagdadaang kotse at hindi man lang ako isinakay. “Masiraan ka sana o kaya ay maflat ang gulong mo. Thank you ha, ang bait bait moooo,” sinisigawan ko ang bawat sasakyang dumaraan na hindi man lang isinakaya ng isang babaeng maganda na kagaya ko. Anong palagay nila sa akin? Baliw? Mukha lang pero hindi talaga ako baliw. Naiiyak na ako sa sobrang kamalasan ko ngayong araw na ito. Pakiramdam ko ay lusaw na ang make up ko at ang eyeliner ko siguro ay kumalat na sa paligid ng mata ko. Tiyak akong pagtatawanan ako ni Ruby kapag nakita niya ako. Habang naglalakad ako ay nabigla ako nang may dumaan na tricycle at pamilyar iyon sa akin. “Tricycle iyon nila Baste ah?” itinuro ko pa ito. “Hindi ba ako nakita ni pards?” Bigla kong naalala na nag-iinuman nga pala sila at si Amir ang gumamit nito kanina. “Grabe. Hindi niya man lang ako nakita at napansin?” gusto ko na talagang magtampo. Bagsak ang ulo ko at pati na rin ang balikat ko habang naglalakad. Hanggang sa may nakasalubong akong tricycle. Huminto ito sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko kung kanino ito. Bumalik siya para sa akin. “Nag-eenjoy ka ba sa ulan? Parang gusto kitang hagisan diyan ng sabon Ate,” natatawa pa siya. Halos pasigaw na ito dahil malakas talaga ang ulan at hangin. Basa na rin ang kalahating bahagi ng damit niya dahil malakas talaga ang ulan. Hindi ako kumibo. “Papunta ka ba kina Ate Ruby?” Tumango lang ako. At pakiramdam ko ay para akong walang energy para makipag-usap. “Tara na. Doon din ang punta ko. Pero kung ayaw mo, okay lang din,” yaya niya. Agad na akong umikot at sumakay sa loob. Too late na pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit limang beses akong minalas today, ay may isang magandang nangyari sa akin. Iyon ay ang pagbabalik niya para isakay ako at nang huwag na akong mahirapan pa. Kasabay ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan ay kasabay rin ng pagdating ng taong hahangaan at mamahalin ko magpakailanman. Tandaan niyo iyan. Thanks guys for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD