Chapter Nineteen MAYUMI ARAW NG LINGGO NAPAG-USAPAN naming dalawa ni Amir na susunduin niya ako ng alas otso ng umaga. Hindi rin talaga ako nakatulog ng maayos dahil sobra akong excited sa araw na ito. Ano nga ba ang meaning ng date na ito? Marami kasing klase ng date. May date ng magkapatid, date ng magulang at anak, magkaibigan, magka-ibigan at nagliligawan. Sa estado naming dalawa, hindi kami magkapatid at hindi kami mag-ina. So, maaaring magkaibigan, magka-ibigan o nagliligawan ang sa aming dalawa. Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil matutupad ang isa sa mga wish lists ko na makadate siya. See, this is more than just a wish list. This is more than just a dream come true. Higit pa ito sa bagay na inaasahan ko dahil una sa lahat ay hindi ko talaga akalaing magiging ganito kami ka-c