Chapter Eighteen AMIR PAGKAHATID ko kay Ate Yumi sa trabaho niya ay dumeretso na ako sa school. Alas nuebe pa pala ang unang klase ko dahil wala rin akong teacher sa oras na 8-9. Pagkagaling ko ng library ay nagpunta ako sa department. Habang naghihintay ako ng klase ay nagtext si El na magkita kami sa tapat ng canteen dahil may sasabihin siya sa akin na mahalagang bagay. Ayon sa kanya ay hihiwalayan na niya si Fred dahil masyadong seloso at possessive. Kaya gusto niya sanang humingi sa akin ng payo kung paano at ano ang gagawing mga hakbang para tuluyang tapusin ang kanilang relasyon. Kaibigan ko na si El mula last year dahil naging kaklase ko siya sa dalawang general subjects. Siya yung babaeng alam ko na hindi nagkagusto sa akin at nais lang makipagkaibigan. Kaya kami naging close. M