Chapter Fourteen AMIR ARAW ng Myerkules ay himalang wala ana akong pasok ng hapon dahil daw sa isang meeting na kung saan ay kailangang daluhan ng mga tagapagturo. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kaya naman pagkalabas pa lang ng eskwelahan ay tumakbo na ako patungo sa sakayan ng Calle Adonis. Tyempo namang walang pila kaya nakasakay na rin ako kaagad. Pagkauwi ko lagpas alas onse ay hindi pa kumakain si Mang Ismael. Kaya naman nagluto na ako ng tanghalian naming dalawa. Wala si Aling Berta dahil kasalukuyang nag-aalaga ng kanyang mga apo sa bayan. Pagkapananghalian ay naghugas na ako ng pinagkaianan. Pagkatapos ay naligo na ako at dali daling pumunta kina Aling Gara. Eksakto ring ipinapalinis niya ang kwarto na lilipatan ni Ate Yumu kaya tumulong na rin ako. Tinawag ko rin si Par