Chapter Nine MAYUMI ANG sarap ng niluto niyang adobong mani. Basta mani siguro, alam niyang gawan ng paraan. Tsk. Ang halay ko na naman. Anyway habang nagtatrabaho kami ni Mards Ruby ay nakaisip naman ako ng paraan para pagtripan sila. Sometimes umaarte lang kasi talaga ako para magpapansin. Ewan ko lang ha, pero ganito na kasi talaga ako ever since. Kunwari ay masasamid ako na magiging dahilan para ubuhin ako ng sobra. Until such time na super concern na sila sa akin. Saka lang ako tatawa kapag sobrang kinakabahan na sila. Tingnan ko kung hanggang saan ang kayang gawin ng Amir na ito for me. So, naplano ko na. Ang kulang na lang talaga ay kung paano ko sisimulan. “Mards, ang sarap ng mani ano,” sabi ko habang sunud sunod ang pagkuha ko nito sa lalagyan. “Hin