DECEPTION ENTRY # 2

1597 Words
DECEPTION ENTRY # 2         " K-Kamusta si Em, Chesca?! Y-yung baby ayos lang ba? hindi ba si———— hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko dahil sa sobrang pag aalalang aking nararamdaman ngayon.. Pagkakita ko sa kanya kanina na nakahandusay sa semento na walang malay, namumutla at pinagpapawisan daig ko pa ang sinuntok sa sikmura at pakiramdam ko yung puso ko tumigil sa pagtibok.. hanggang ngayon, nanginginig ang aking buong katawan ni hindi ko nga alam kung papaano ko siya nabuhat at naitakbo ng buong bilis kanina sa Emergency Room.. Ilang beses ko pang ichineck ang kanyang mga binti na nakahantad dahil bistida ang kanyang suot .. tinitingnan ko kung may dugo doon, dahil baka nga napasama ang bagsak niya kanina.. baka makun——-       " Calm down, Leandro. Calm down, ayos lang si Emilie, ayos lang ang baby niya. Natural lang sa mga buntis na kagaya niya ang mawalan ng malay at mahilo kaya dapat lagi siyang may kasama kung may lakad man siyang pupuntahan. Kailangan niyang maging maingat Leandro lalo na at nasa ika apat na buwan na ang ipinagbubuntis niya. " mahabang paliwanag sa akin ni Chesca habang minomonitor niya ang heartbeat ni Em, hawak hawak nito ang kaliwang palapusuhan nito. Nanghihinang nailapat ko ang aking buong likod sa upuan na aking kinauupuan na nasa gilid lang ng hospital bed na kinahihigaan ni Em.. naipikit ko ang aking dalawang mga mata sa sobrang relief.. hawak hawak ko pa rin pala hanggang ngayon ang kanyang kanang kamay ng mahigpit.. natatakot kasi akong bitawan iyon.. sa hindi ko maipaliwanang na dahilan.. mainit iyon, malambot at ang sarap sarap hawakan.     " Leandro, pwede ko bang malaman kung bakit ginagagawa mo ang mga bagay na ito?"kunut noong iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko si Chesca. Nakatayo ito sa bandang ulunan ni Em habang marahan na hinahaplos haplos nito ang buhok nito ng paulit ulit.. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ganito niya kamahal ang kaibigan niya, sabagay ang sabi sa akin ni Em, para na silang magkapatid ni Chesca. Simula kasi noong mga high school sila lagi na silang magkasama.     " Kung ang balak mo ay pahirapan at pagbayarin si Emilie sa kasalanan niya sa kapatid mo, mas mabuting pang wag mo ng ituloy. Alam kong wala akong karapatan na makialam sa inyo, pero kaibigan niya ako. Kung masasaktan siya ng dahil sayo at sa kapatid mong si Xander mas mabuti pang iwanan niyo na lang si Em sa akin. Kayang kaya ko siyang alagaan at palalakihin namin ang anak nila ni Xander ng maayos. Malaking kasalanan ang ginawa niya. Malaking malaking problema, pero hindi ko siya masisisi dahil nagmahal lang siya. Minahal niya lang ng sobra sobra ang kapatid mo kaya ito ang naging resulta.. nagdadalang tao siya."       " Hindi dahilan ang sobrang pagmamahal niya sa ginawa niyang iyon, Chesca at alam mong tama ako. Alam niya.. alam niya ang maaaring mangyari ng araw na iyon, alam niya kung gaano kabaliw at kamahal ng kapatid ko ang asawa niya pero itinuloy pa rin niya ang mga balak niya. My god Ches.. kung alam mo lang ang pinagdaanan ng kapatid ko at ng asawa niya maiintindihan mo ako kung bakit ganoon na lang ang galit ko kay Em noong sabihin niya sa akin ang lahat.. "       " Kung ganoon naman pala, bakit inalok mo siya ng kasal? Bakit kailangan isakripisyo mo ang kalayaa————-   " Para iyon kay Jas, kay Xander at sa pamangkin ko. Chesca, nagsisimula pa lang ulit sila ng panibagong buhay. Ngayon pa lang bumabawi si Kuya sa pagkukulang niya sa mag ina niya. Sino ako at si Em para sirain iyon. Nagmahal din ako.. minahal ko si Jas ng sobra sobra, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali kaya nagkahiwalay sila ni Xander.. Ito na .. ito na ang kabayaran noon.. at isa pa.. pamangkin ko ang nasa sinapupunan ni Emilie. . Dugo at laman ko rin iyan. Isa ring Montenegro ang batang isisilang niya. "     Ipinikit ni Chesca ang kanyang mga mata at bumuntong hininga ito ng ilang beses bago siya tumingin ulit sa akin... this time nakapasok na sa kanyang dalawang bulsa ang dalawang kamay nito habang pasulyap sulyap kay Em at sa akin. " Pero hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Em. Si Xander.. ang kuya mo.. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali, Leandro. "     " Sabihin niyo ang katotohanan. Sabihin niyo kay Xander ang katotohanan. My god maawa kayo sa asawa niya. Mas lalo niyong paguguluhin ang sitwasyon. Mas lalo niyong palalakihin ang g**o. Hindi niyo maitatago ang lahat, Lean. Habang hindi niyo pa nasisimulan, itigil niyo ang kabaliwan na ito!!"   Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at buong galit na tinitigan ko siya. " At anong gusto mo!! hayaan kong mabaliw si Jas, masiraan ng bait!! kapag nalaman niyang nabuntis ng kapatid ko si Emilie!! Ipit na ipit na ako Chesca!! Gustong gusto kong magsabi ng totoo pero hindi ko magawa dahil sa tuwing susubukan ko, pumapasok sa isipan ko ang pamangkin ko na si Dria at ang kalagayan ni Jas!! They were happy.. happy family.. " Ilang beses akong huminga ng malalim.. dahil sumasabulat na ang galit ko sa babaeng aking kaharap.. how dare she!! I have no choice.. I have no choice. "She will lose her sanity again!! hindi mo ba maintindihan iyon! At isa pa wala kami dapat sa ganitong sitwasyon kung hindi ipinilit ni Emilie ang sarili niya sa kapatid ko!! my godddd that was r**e!! "       " She love your brother very much!! kaya niya nagawa ang bag———   " And that's bullshit!! Sinadya niya iyon!! sinadya niy————-     pak     " Wala kang karapatan.. wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa kanya!! Wala!! dahil hindi mo siya kilala, Lean!! " ni hindi ko man lang naramdaman na nakalapit na siya sa akin at nagulat na lang ako ng lumapat sa aking kanang pisngi ang kanyang kamay. Sinampal niya ako.. sinampal.. para akong natauhan.. that was below the belt..to say to her.. mali ang mg———————-     click.....     Halos sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Binundol ako ng kaba.. pakiramdam ko nawala lahat ang dugo sa aking mukha dahil.. maaaring may nakarinig sa aming dalawa ni Chesca.. shiittt!! si Jas.. si Jas.. kasama ko siya kanina.. Ob-gyne.. naghahanap siya ng ob dahil naghihinala siyang baka buntis din siya.. how can I forget her? with that thought, mabilis kong tinungo ang pintuan at binuksan iyon.. pero ni anino ni Jas hindi ko nakita sa paligid. Lumabas ako at iniikot ko ang aking paningin sa paligid.. pero wala siya.. tanging mangilang ngilan na nurse na nagrorounds ang aking nakikita.. mga ilang pasyente na naglalakad lakad..   Pero hindi ako pwedeng magkamali.. may nagsara ng pintuan. May nakarinig sa amin ni Chesca.. at nagsisigawan kami kanina.. pero ang tanong sino?     ————————— —————————   Hinang hinang napadausdos ang aking buong katawan paupo, nakasandal kasi ang aking buong katawan sa pader na nasa aking likuran.. Hindi ako makahinga.. kahit anong pilit kong hugot ng hangin.. naninikip ang aking dibdib.. nanginginig din ang aking buong katawan.. tuluy tuloy din ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking magkabilang pisngi.. hindi ko maintindihan ang nangyayari.. iyong mga narinig ko.. pakiramdam ko binging bingi ako.. hindi iyon totoo hindi ba? hindi totoo ang mga sinabi nila?.. hindi totoo!! hindi iyon totoo!! hinding hindi iyon gagawin sa akin ni Xanderrr!!!!!     " Kung ganoon naman pala, bakit inalok mo siya ng kasal? Bakit kailangan isakripisyo mo ang kalayaa————-       " Para iyon kay Jas, kay Xander at sa pamangkin ko. Chesca, nagsisimula pa lang ulit sila ng panibagong buhay. Ngayon pa lang bumabawi si Kuya sa pagkukulang niya sa mag ina niya. Sino ako at si Em para sirain iyon. Nagmahal din ako.. minahal ko si Jas ng sobra sobra, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali kaya nagkahiwalay sila ni Xander.. Ito na .. ito na ang kabayaran noon.. at isa pa.. pamangkin ko ang nasa sinapupunan ni Emilie. . Dugo at laman ko rin iyan. Isa ring Montenegro ang batang isisilang niya. "     " Pero hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Em. Si Xander.. ang kuya mo.. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali, Leandro. "     " Sabihin niyo ang katotohanan. Sabihin niyo kay Xander ang katotohanan. My god maawa kayo sa asawa niya. Mas lalo niyong paguguluhin ang sitwasyon. Mas lalo niyong palalakihin ang g**o. Hindi niyo maitatago ang lahat, Lean. Habang hindi niyo pa nasisimulan, itigil niyo ang kabaliwan na ito!!"       " At anong gusto mo!! hayaan kong mabaliw si Jas, masiraan ng bait!! kapag nalaman niyang nabuntis ng kapatid ko si Emilie!! Ipit na ipit na ako Chesca!! Gustong gusto kong magsabi ng totoo pero hindi ko magawa dahil sa tuwing susubukan ko, pumapasok sa isipan ko ang pamangkin ko na si Dria at ang kalagayan ni Jas!! They were happy.. happy family.. " Ilang beses akong huminga ng malalim.. dahil sumasabulat na ang galit ko sa babaeng aking kaharap.. how dare she!! I have no choice.. I have no choice. "She will lose her insanity again!! hindi mo ba maintindihan iyon! At isa pa wala kami dapat sa ganitong sitwasyon kung hindi ipinilit ni Emilie ang sarili niya sa kapatid ko!! my godddd that was r**e!! "       " She love your brother very much!! kaya niya nagawa ang bag———   " And that's bullshit!! Sinadya niya iyon!! sinadya niy————-   pak     " Wala kang karapatan.. wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa kanya!! Wala!! dahil hindi mo siya kilala, Lean!! "           Isa iyong panaginip hindi ba?       nasa isa akong masamang panaginip..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD