HUMAHANGOS NA NAPABALIKWAS ng bangon si Maxine mula sa isang masamang panaginip.
"Mama... Papa..." Tumulo ang luha niya.
She saw it. Nakita niya sa panaginip niya kung paano pinatay at sinunog ang mga magulang niya. Kumuyom ang mga kamay niya at tumalim ang mga mata niya. Bumangon siya at kahit papaano ay medyo maganda na ang kanyang pakiramdam. Hindi katulad kagabi na nahihilo siya.
Hindi na niya pinansin ang malamig na sahig. Lumapit siya sa pinto at binuksan. Nang biglang may humarang sa kanya, mga bantay.
"Hindi kayo pwedeng lumabas." Ani ng isang bantay.
Her instinct kick in. Mabilis niya itong sinipa at tumakbo palayo. Hinabol naman siya ng iba pang bantay.
Mabilis na tumingin siya ng pwede niyang malusutan. Tumakbo siya sa hallway at mabilis na bumaba ng hagdan. Nakita siya ibang bantay kaya hinabol na rin siya ng mga ito. May nakita siyang mga maids na nagtatakang nakatingin sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Tawagin niyo ang Alpha King at Luna Queen!"
Her eyes widen.
Alpha King?
Luna Queen?
Isa ring werewolf territory ang napasukan niya. Hindi pwede! Kailangan niyang makaalis dito. Mabilis siyang tumakbo pero nang malapit na siya sa nakabukas na malaking pinto ay hinarang siya ng mga bantay doon. Tumalim ang mata niya at sinugod ang mga ito. Hindi na niya inisip na mas malakas ang mga ito kaysa sa kanya.
Inagaw niya ang isang shaft na hawak ng isang bantay at pinanlaban niya sa mga ito. Hinampas niya ang mga ito. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi siya pwedeng manatili dito. Lobo ang mga naninirahan dito at mababangis silang mga nilalang.
"What the hell is happening here?!" A powerful voice held with authority boomed around the place.
Biglang tumigil ang lahat at tumuon ang atensiyon sa isang tao na nasa hulihang baitang ng hagdan at may kasama itong magandang babae.
Yumuko ang mga bantay. "Alpha King. Luna Queen."
Unti-unti siyang umatras.
Tumuon ang atensiyon sa kanya ng Alpha King at Luna Queen. Nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa uri ng tingin ng mga ito. She gulped.
"Please, don't run away." Ani ng Alpha King habang nakatingin sa kanya.
Did she heard it right? Did the Alpha King says 'please'? She never heard Alpha Dexter saying that word.
Binitawan niya ang shaft na hawak niya.
"You are safe here." Sabi ng Luna Queen.
She doubt that. Umiling siya at tinalikuran ang mga ito. Tumakbo siya palabas ng malaking pinto pero apat na lalaking magkakamukha ang nakaharang sa daraanan niya. She alerted herself in any possible attack from them.
"Don't run away." Ani ng isa sa mga ito. Lumapit ito sa kanya at tangka siya nitong hawakan pero hinawakan niya ang pulsuhan niya at pinilipit ang braso nito.
"Zeus!"
Binitawan niya ang braso nito at tumakbo palayo sa mga ito.
"Damn! Pigilan niyo siya pero huwag niyo siyang sasaktan!"
Mula sa isang direksiyon ay may mga humarang sa kanyang mga bantay.
"Hija, please, stop running." Pakiusap ng Luna Queen.
Umiling siya at hindi nagsalita. Lumapit sa kanya ang mga bantay at tangka siyang hawakan pero sinalubong niya ang mga ito ng sipa at suntok. Malakas yata ang pag-atake niya kaya bumagsak ang mga ito at nakatakbo siya palayo. Pero biglang may lumabas na ugat mula sa lupa at pumulupot sa kanya.
Anong—
Sinubukan niyang makawala pero mahigpit ang pagkapulupot ng mga ugat sa kanya. Tumingin siya sa taong nasa gilid niya at nakita niya ang isa sa apat na lalaking magkakamukha.
"Pasensiya na pero kailangan kong gamitin ang kapangyarihan ko sa'yo." Anito.
Kapangyarihan? Ano bang pinagsasabi nito? Nababaliw na ba siya?
Lumapit na rin sa kanya ang Alpha King at Luna Queen kasama ang tatlo pang kamukha ng lalaking nasa tabi niya.
"Lumayo ka sa kanya, Zeke!" Sabi ng isa.
"Ito naman, selos agad." Pero lumayo naman ang lalaki sa kanya.
"Hija..." Tinangka ng Luna Queen na hawakan ang mukha niya pero inilayo niya ang kanyang mukha.
Pero ngumiti sa kanya ang Luna Queen. "Huwag kang mag-alala. Walang mananakit sa'yo dito."
Hindi siya nagsalita.
"I'm Avery, and this is my husband, Zachariah. At sila ang mga anak namin." Pakilala nito at iminuwestra ang kamay sa mga apat na lalaking magkakamukha. Tumango lang siya. Kamukha ng Alpha King ang mga anak nito. Kapansin-pansin ang kulay ginto na mata ng Luna Queen.
"I'm Akihiko Zeke and please call me Zeke." Pakilala ng lalaking nasa tabi niya kanina. Ipinitik nito ang daliri at biglang nawala ang ugat na nakapulupot sa kanya. Kapansin-pansin rin ang kulay green nitong mata.
"I'm Andrew Zion ... and just call me Zion." Pakilala rin ng isa pang lalaki. Kulay gray naman ang mata nito.
"I'm Apollo Zane, the most handsome prince. Just call me Zane." Sunod na pakilala ng isa. And he have a pair of blue eyes.
Umismid naman ang mga kamukha nito.
Hinintay niyang magpakilala ang isa pang kamukha nito pero hindi nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Yellow ang kulay ng mata nito. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa. Hindi siya komportable sa binibigay nitong tingin sa kanya.
"Siya si Azariah Zeus at ikaw ang mate niya." Sabi ng Luna Queen.
Kumunot ang nuo niya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito pero pinili niyang huwag na lang magsalita. Nakita niya kung paano nag-iba ang kulay ng mata ng magkakapatid. Naging kulay ginto na rin ang mga ito katulad ng kanilang ina but she's sure na matatandaan niya kung sino ang sino sa mga ito.
"Hija, please, stop running away. I promise, no one will hurt you here." Ani ng Alpha King.
Still, hindi siya nagsalita.
"Can you talk?"
She looked at Zeus.
"Can you talk?" Ulit nito. "What's your name?"
"W-werewolves are dangerous..." Aniya na ikinalaki ng mata ng mga kaharap niya. Sa lalaking nangangalang Zeus, nakita niya ang sakit na dumaan sa mata nito.
"Werewolves? Alam mo na mga lobo kami?" Gulat na tanong ni Zane. Magkakamukha ang mga ito pero natatandaan niya kung sino ang mga ito.
She nod her head.
"How?" It was the Alpha King.
Yumuko siya at hindi nagsalita.
"Can we know your name?" Zeus asked.
"Ahmm ... M-max ... Maxine..." Aniya.
Ngumiti ito. "Beautiful name."
"Maxine, I think weed to get back inside the palace para magamot ang mga sugat mo." Sabi ng Luna Queen.
"You back is bleeding." Nag-aalalang sabi ni Zeus. "Who did this to you?" Madilim ang mukha nitong tanong.
Hindi siya sumagot at tumingin sa kanyang paa. Wala siyang sapin sa paa.
Nauna ng pumasok ang Luna Queen at Alpha King. Nakasunod naman ang tatlong kapatid ni Zeus. Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan niya. Is she really safe here? Wala ba talagang mananakit sa kanya dito?
"Come on, Maxine, para mapalitan na ang mga benda mo." Sabi ni Zeus.
Mabagal siyang naglakad papasok sa loob. Nasa tabi naman niya si Zeus na mula sa gilid ng mata niya ay nakikita niya na panay ang sulyap sa kanya ni Zeus. Napahawak siya sa isang hamba ng pinto nang bigla siyang nahilo. Parang umiikot ang paningin niya.
"Maxine, are you okay?"
Nasapo niya ng ulo dahil mas lalo pang umikot ang paningin niya. Nabuwal siya sa pagkakatayo. Nasalo naman agad siya ni Zeus.
Ang nag-aalalang mukha ni Zeus ang huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay.
NAHILOT NI ZEUS ang kanyang nuo habang nakatingin sa ina na abala sa pagtanggal ng mga benda sa katawan ni Maxine.
"What happened to her? Bakit bigla siyang nawalan ng malay?" Tanong niya kay Dr. Emerald na nakatayo sa gilid.
Dr. Emerald sighed. "Epekto 'yan ng maraming dugo ang nawala sa kanya. And nabinat ang katawan niya dahil sa biglaan niyang pagkilos kanina."
"Zeus, come here." Ani ng ama.
Kumunot ang nuo. "Why, dad?"
"Just come here."
Naguguluhan man ay lumapit na lang siya sa ama. Mas lalong kumunot ang nuo niya nang hawakan nito ang pulsuhan niya.
"Muntik nang mabalian ang iba nating tauhan dahil sa pag-atake sa kanila ni Maxine kanina..." Napailing ang kanyang ama pero may masuyo naman itong ngiti sa labi. "She will be a good Luna Queen just like your mother ... she's brave. Siya pa lang ang nakita kong tao na kayang tapatan ang lakas ng isang lobo." Tumingin ang ama sa kanya. "At the count of three, I'll snap back your arm. Mukhang nabali kanina ni Maxine dahil sa pagpilipit niya sa braso mo."
"Kawawa ka naman, Zeus." Pang-aasar sa kanya ni Zane.
"Damn you! Pwede ba huwag mo akong asarin—f*ck!" Malutong siyang napamura. His father suddenly just snap back his arm.
He look at his father in disbelief. "You said you're gonna count but didn't heard it."
Ngumiti ang ama. "I didn't count."
Tumawa ang mga kapatid niya.
"1 for Dad, 0 for Zeus." Sabi ni Zeke.
Napailing siya. "Ewan ko sa inyo."
"Quite." Sabi ng kanilang ina.
Tumingin naman sila dito. Nakita niyang itinapat ng ina ang mga palad nito kay Maxine. Nang unti-unting nagkaroon ng flame ang kamay nito.
Tumingin ang ina sa kanilang magkakapatid. "You should practice how to use your ability to heal."
Nagkatinginan silang magkakapatid.
Inilapat ng kanilang ina ang dalawa nitong palapad sa mukha at katawan ni Maxine. He saw how Maxine's skin became different. Nawala ang mga pasa at galos nito. Her skin became fine. It became flawless. Napangiti siya. His mother is really something.
"Thank you, Mom." Aniya.
"No problem."
"But the wound at her back." His father said.
"Nawala na." Sagot ng ina at tumingin sa kanya. "Kapag nagising siya, pakain mo, okay? I know, she must be hungry when she wake up. Wala pa siyang kain mula kagabi. Bantayan mo ang mate mo."
He nod. "Yes, Mom."
"Sige maiwan ko na kayo. May importante pa akong gagawin." Sabi ng ina at lumapit sa ama. Hinalikan nito sa pisngi ang huli at lumabas sa silid niya.
Nang sila na lang ang naiwan ay sunod na umalis si Dr. Emerald pero nakipag-usap muna ito sa Alpha King.
Nang makaalis si Dr. Emerald tumingin ito sa kanya. "Pupuntahan namin ng mga kapatid mo ang kweba. Susubukan naming alamin kung saang lugar siya nanggaling."
"Please do it, Dad."
"Ibabase na lang namin sa mga bakas ng dugo." Sabi ni Zeke.
Tumango siya. Talagang maaasahan niya ang kanyang pamilya sa lahat ng oras.
"Salamat."
Lumapit sa kanya ang mga kapatid niya at tinapik siya sa balikat.
"Basta bantayan mo ang mate mo." Ani Zion.
Tumango siya.
"Sige,maiwan ka na namin, Zeus." Sabi ng ama at nauna na itong lumabas. Sumunod naman agad ang mga kapatid niya.
He sighed. Lumapit siya kay Maxine at inayos ang kumot nito.
Then he went out of his room. Nagtungo siya sa kusina ng palasyo. Yumuko sa kanya ang mga maids na nasa kusina.
Nanghanda siya ng pagkain ni Maxine. Inilagay niya ang mga ito sa tray at dinala sa silid niya.
Mabilis niyang inilapag ang tray sa nightstand.
"Maxine!"